Ang payak na simuno ay isang pangngalan o panghalip na tumutukoy sa pinag-uusapan sa pangungusap.
Ang payak na panaguri ay isang salita na nagsasabi kung ano ang ginagawa ng paksa o kung ano ito.
Halimbawa:
Ang rosas ay mahalimuyak.
Ang salitang "rosas" ang siyang payak na simuno ng pangungusap.
Ang salitang "mahalimuyak" ay ang payak na panaguri.
Basahin nang mabuti ang mga pangungusap.
1. Ang pamilya ay nakatira sa bukid.
2. Ang mga bata ay naglalaro sa dalampasigan.
1. Ang bunsong anak ng pamilya ay masipag.
2. Si Mang Tomas ay nagsasaka sa bukid.
3. Nagluluto ng hapunan si Aling Maria.
1. pamilya, nakatira
2. ang mga bata, naglalaro
3. bunsong anak, masipag
4. Mang Tomas, nagsasaka
5. Aling Maria, nagluluto
Pagsasanay: Salungguhitan ang payak na simuno at kahunan ang payak na panaguri.
1. Natulog ang bata nang mahimbing.
2. Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit pitung libong isla.
3. Tahimik ang mga mag-aaral sa pagbabasa ng aklat.
4. Si Ginoong Martinez ay nagtratrabaho sa Lungsod ng Makati.
5. Ang gatas ay masustansiya.
6. Ang araw ay sumisikat sa silangan.
7. Gumagawa ng bangka ang mga mangingisda.
8. Si Nida at Ramon ay magkakapatid.
9. Nagdala ako ng isang dosenang mangga para sa aking pinsan.
10. Nanonood si Mang Ricardo ng balita gabi-gabi.
Related Post: Pagsasanay: Payak na Pangungusap