Ang dalawang magkaibang salita ay maaaring pagsamahin upang makabuo ng bagong kahulugan.
Isang bagong kahulugan ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsama ng dalawang magkaibang salita.
Ang tawag dito ay tambalang-salita.
agaw-pansin
= madaling makakuha ng pansin
akyat-bahay
= magnanakaw, mang-uumit sa bahay ng iba
anak-pawis
= anak ng isang maralita
bahaghari
= pulutong ng mga nakulay na nasa anyo ng kalahati o buong bilog, makikita ito pagkatapos ng pag-ulan
balat-kalabaw
= makapal, hindi sensitibo
balat-sibuyas
= madaling masaktan o sensitibo
boses-palaka
= pangit kumanta
buto't balat
= payat na payat
hampaslupa
= pobre
hanapbuhay
= trabaho
hatinggabi
= kalagitnaan ng gabi, 12:00 AM
matapobre
= mapangmataas
ningas-kugon
= masigasig o magaling sa paggawa sa unang pagkakataon lamang
patay-gutom
=mahirap, matakaw
silid-aklatan
= isang silid na may koleksiyon ng mga aklat, peryodiko na maaaring basahin o hiramin.
silid-tulugan
= isang silid sa bahay o gusali kung saan kadalasang natutulog ang mga tao
sirang-plaka
= paulit-ulit ang sinasabi
taingang-kawali
= nabingibingihan
takipsilim
= maggagabi
tubig-alat
= tubig na galing sa dagat
Mga Pagsasanay
I. Pagtambalin ang bawat salita sa unang column sa isang salita sa ikalawang hanay upang makabuo ng tambalang-salita.
A. | B. |
1. hanap | a. hari |
2. takip | b. pansin |
3. balat | c. kalabaw |
4. silid | d. aralan |
5. agaw | e. palaka |
6. balat | f. buhay |
7. mata | g. silim |
8. tubig | h. pobre |
9. bahag | i. alat |
10. boses | j.sibuyas |
II Ano ang ibig-sabihin ng bawat tambalang-salita? Isulat ang titik ng sagot sa patlang.
a. isang palaro b. mapangmataas c. anak ng isang maralita d. nagbingibingihan
2.tubig-alat
2.tubig-alat
a. tubig na malamig b. tubig na galing sa gripo c. tubig galing sa dagat d. tubig na malabnaw
3. hanapbuhay
3. hanapbuhay
a. bahay b. trabaho c. isang palaro d. nawawala
4. buto't balat
4. buto't balat
a. taba na taba b. gutum na gutom c. payat na payat d. saranggola
5.takdang-aralin
5.takdang-aralin
a. isang gawain na ibinigay ng guro upang kumpletuhin sa bahay
b. isang gawain sa tahanan na kailangan gawin sa paaralan
c. isang gawain na kailangang gawin sa paaralan lamang
d. isang gawain na kailangang kumpletuhin bago matapos ang klase
III. Basahin nang bawat pangungusap at bilugan ang angkop na tambalang-salita.
hanapbuhay sirang-plaka silid-tulugan buto't balat ningas-kugon
- Makinig ka nang mabuti upang hindi ako parang _____________, paulit-ulit.
- Hindi mahilig si Norma kumanta dahil anya siya ay may _____________.
- Nakahanda na ang ___________ para sa mga bisita.
- Ang pagigigin __________ ni Joey ang dahilan kung bakit hindi matapos-tapos ang proyekto.
- Ang mga ___________ na mga bata ay kailangang sumailalim sa isang programa laban sa malnutrisyon. .