Showing posts with label Pangungusap. Show all posts
Showing posts with label Pangungusap. Show all posts

Ang Talata

 



    Ang talata ay binubuo ng mga pangungusap na naglalarawan ng isan ideya. Ito ay may iba't ibang bahagi na may kanya-kanyang layunin. Ang paksang pangungusap, mga detalye, at konklusyon ang siyang bumubuo sa isang talata.

    Ang paksang pangungusap ang siyang nagsasabi kung ano ang paksa ng talata. Ang mga detalye naman ang nagpapalawak ng paksa sa pamamagitan ng mga ideya o ebidensiya na sumusuporta sa paksa. Ang konlusyon naman ay ang huling pangungusap sa talata na maaring nagbibigay ng payo, palagay, opinyon, o ibang detalye.

Susihin natin ang artikulo:

    Taun-taon, maraming bagyo ang nararanasan ng mga Pilipino. Tinatayang 20 na tropical cyclone ang pumapasok o namumuo sa Philippine Area of Responsibility o PAR ngunit walo o siyam lang na bagyo ang tumatama sa kahit anong kalupaan ng bansa. Ang bagyo ay isang malaking weather system na nagdudulot ng malakas na hangin at ulan. Ito ay may lawak na 150 km ang radius at 300 km ang lawak.Hinihikayat ang mga Pilipino na maging laging  handa bago pa dumating ang bagyo (PAGASA, n.d.).

Ang paksang pangungusap:
    Taun-taon, maraming bagyo ang nararanasan ng mga Pilipino.

Mga detalye:
    Tinatayang 20 na tropical cyclone ang pumapasok o namumuo sa Philippine Area of Responsibility o PAR ngunit walo o siyam lang na bagyo ang tumatama sa kahit anong kalupaan ng bansa. Ang bagyo ay isang malaking weather system na nagdudulot ng malakas na hangin at ulan. Ito ay may lawak na 150 km ang radius at 300 km ang lawak.

Konklusyon:
    Hinihikayat ang mga Pilipino na maging laging  handa bago pa dumating ang bagyo


Pagsasanay 

Salungguhitan ang paksang pangungusap, bilugan ang mga detalye, at kahunan ang konklusyon.

1.Ang kumpanya na Nike ay nagbigay ng "holiday" para sa kanilang mga manggagawa upang matulungan silang mabawi ang lakas mula sa mga hamon at pag-aalala na dulot ng COVID-19 pandemya. Ang nasabing malaking kumpanya ay nagbigay sa mga empleyado nito ng isang linggong pahinga. Sinara nito ang mga tanggapan mula ika-23 hanggang ika 30 ng Agosto upang ang mga empleyado nito ay "masiyahan sa karagdagang oras na pahinga upang makapagpahinga at makabawi". Sinabi ng Nike na nais nitong mag-focus sa pagtulong upang labanan ang "burnout". Ang senior manager ng global marketing science na si Matt Marrazzo ay nagsabi: "Ang lahat ng aming mga nakatataas na pinuno ay nagpapadala ng isang malinaw na mensahe - maglaan ng oras upang makapagpahinga, made-stress, at magpalipas ng oras sa iyong mga mahal sa buhay. Huwag magtrabaho." Ang mga retail stores ng Nike ay bukas pa rin at ang mga manggagawa sa tindahan ay nagtatrabaho tulad ng dati.

2.Nagbabala ang mga siyentista na maraming bahagi ng mundo ang makakaranas ng mas matinding init. Ang mga dalubhasa ay mula sa Copernicus, ang Earth Union's Observation Program ng European Union. Sinuri ng mga meteorologist nito ang temperatura ng mundo mula sa mga satellite, sasakyang panghimpapawid, weather stations at iba pang mga database mula sa buong mundo. Iniulat ng mga siyentista na ang kanilang mga numero ay nagpapahiwatig ng mataas na posibilidad ng pagtaas ng matinding temperatura. Sinabi nila: "Ito ang pangalawang pinakamainit na Hunyo sa tala para sa Europa .... Ang heatwave ay nagpatuloy sa kanlurang Hilagang Amerika, kung saan maraming temperature records ang nalampasan. Ang Arctic Siberia ay nakaranas din ng mataas na temperatura."

3.Natuklasan ng mga siyentista na ang mga ilaw sa lansangan at iba pang mga anyo ng artipisyal na ilaw ay maaaring nasa likod ng pagbaba ng populasyon ng mga insekto. Ang mga mananaliksik mula sa UK Center for Ecology and Hydrology ay nagsagawa ng mga pag-aaral sa bilang ng mga insekto na nakatira malapit sa light-emitting diode (LEDs). Sinabi ng mga mananaliksik na ang mga LEDs ay responsable para sa pagkagambala sa pag-uugali ng insekto at para sa sanhi ng pagbagsak ng kanilang populasyon. Sinabi ng lead researcher na si Douglas Boyes na ang mga resulta ng kanyang pag-aaral ay "eye-opening". Nagulat siya sa lawak ng pagkawala ng insekto dahil sa mga LED. Natagpuan niya ang isang 47 porsyento na pagbawas sa mga populasyon ng insekto sa mga hedgerow test site at isang 37 porsyento na pagbawas sa mga madamong lugar ng kalsada.


Batayan:

Shop, O. S. T. (2019, July 19). How to Teach Paragraph Writing: Paragraph Structure. Upper Elementary Snapshots. https://www.upperelementarysnapshots.com/2016/03/how-to-teach-paragraph-writing.html

Lavigne, E. (n.d.). Concluding sentences. SlideShare. Retrieved September 21, 2021, from https://www.slideshare.net/esthylavigne/concluding-sentences

PAGASA. (n.d.). Department of Science and Technology- Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. Retrieved September 13, 2021, from http://www.pagasa.dost.gov.ph/learnings/faqs-and-trivias

BreakingNewsEnglish.com. (n.d.). Nike gave workers a week off to de-stress. Www.Breakingnewsenglish.Com. Retrieved September 21, 2021, from https://breakingnewsenglish.com/2109/210903-de-stressing-at-nike.html

BreakingNewsEnglish.com. (n.d.-a). Nike gave workers a week off to de-stress. Www.Breakingnewsenglish.Com. Retrieved September 21, 2021, from https://breakingnewsenglish.com/2109/210903-de-stressing-at-nike.html

BreakingNewsEnglish.com. (n.d.-a). Light pollution linked to insect loss. Www.Breakingnewsenglish.Com. Retrieved September 21, 2021, from https://breakingnewsenglish.com/2108/210828-insect-loss.html


Pagsasanay: Hugnayang Pangungusap



Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di makapag-iisa. 

Ang mga pangatnig na nag-uugnay sa dalawang klaseng sugnay ay ang mga sumusunod:

Iba't Ibang Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian



Ang paggamit ng iba't ibang uri ng mga pangungusap ay nakatutulong sa epektibong pagsusulat.

Ang mga ito ay:

Ang Apat na Uri ng Pangungusap



    Kung ang grupo ng pinagsama-samang mga salita ay may mensahe o diwa, tinawawag natin itong pangungusap.

   Ang pangungusap ay may apat ng uri: pasalaysay, patanong, pakiusap o pautos, at padamdam.


Pasalaysay

   Kung ang pangungusap ay naglalarawan o nagku-kwento tungkol sa isa o mga pangngalan, ito ay pangungususap na pasalaysay. Nagtatapos ito sa tuldok (.).

  Halimbawa:

   Ang mga kendi ay nasa ibabaw ng mesa.
   Sina Judy at Benji ay namamasyal sa parke.
   Umulan nang malakas kagabi.

Patanong

   Kung ang pangungusap ay may tinatanong tungkol sa isang bagay. Nagtatapos ito sa tandang pananong (?).

   Halimbawa:

   Nasaan ang mga kendi?
   Sinu-sino ang namamasyal sa parke?
   Kailan umulan nang malakas?


Pakiusap o Pautos

   Kung tayo ay nakikiusap o nagbibigay ng utos sa isang tao upang gawin ang isang bagay, ginagamit natin ang mga pangungusap na pakiusap o pautos. Nagsisimula ito sa isang pandiwa o salitang-kilos at nagtatapos sa tuldok (.).

   Halimbawa:

   Kunin mo ang mga kendi sa mesa.
   Halika na at pumunta na tayo sa parke.
  Pakisara ng bintana dahil umuulan nang malakas.

Padamdam

     Kung ang pangungusap ay nagpapakita ng damdamin, ito ay pangungusap na padamdam. Ginagamit natin ang pangungusap na ito tuwing tayo ay galit, masaya, malungkot, o takot. Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).

   Halimbawa:

   Takbo!
   Aray! Naapakan mo ang paa ko.
  Yehey!

Pagsasanay

Isulat sa patlang ang S kung ang pangungusap ay isang pasalaysay, T kung patanong, U kung pakiusap o pautos, o D kung padamdam.

_____1. Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit 7,000 na pulo.
_____2. Kay ganda ng mga hardin!
_____3. Bumili ka ng mangga sa palengke.
_____4. Saan makikita ang pinakamataas na bulkan sa Pilipinas?
_____5. Si Dr. Jose Rizal ang ating pambansang bayani.
_____6. Tulong!
_____7.  Pakiabot ng baso.
_____8.  Kumuha ka ng papel at lapis.
_____9.  Sinu-sino ang maghahatid ng pagkain kay Lola?
_____10. Nagniningning ang mga bituin sa langit.

Ang Simuno at Panaguri




Ang simuno ang panaguri ay ang mga bahagi ng isang pangungusap. 

Simuno

Ang simuno ang siyang nagsasabi kung ano o sino ang pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ang paksa ng pangungusap. 

Halimbawa:

1.Ang mga lobo ay makukulay.

             Ano ang makukulay? Ang mga lobo

2.Si Martha ay naghuhugas ng pinggan.

             Sino ang naghuhugas ng pinggan? Si Martha

3. Nagtatanim ng palay sina Lukas at Tonyo.
             Sinu-sino ang mga nagtatanim ng palay? Sina Lukas at Tonyo

Panaguri

Nagsasabi tungkol sa simuno o paksa ang panaguri. 

1.Ang mga lobo ay makukulay.

             Ano ang sinasabi tungkol sa mga lobo? makukulay

2.Si Martha ay naghuhugas ng pinggan.

             Ano ang sinasabi tungkol kay Martha? naghuhugas ng pinggan. 

3. Nagtatanim ng palay sina Lukas at Tonyo.
             Ano ang ginagawa nina Lukas at Tonyo? Sina Lukas at Tonyo


A. Panuto: Tukuyin kung nasalungguhitan ay simuno o panaguri. 

  1. Ang chef ay nagluluto ng adobo. 
  2. Maliligo kami sa ilog. 
  3. Ang mga itlong ng pugo ay maliliit
  4. Malamig ang panahon
  5. Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla. 
  6. Mahina ang huni ng maya. 
  7. Si Ana ay isang mananahi. 
  8. Nagbibigay ng regalo ang mga ninong at ninang tuwing Pasko.
  9. Siya ay isang mang-aawit. 
  10. Napahanga ang mga tao sa proyekto ni Christian.