1. Pasalaysay o Paturol = ang grupo ng mga salitang bumubuo ng isang pahayag
2. Patanong = ginagamit sa pagtatanong
3. Pautos o Pakiusap = ginagamit ito upang ipahayag ang isang utos, pakiusap o kahilingan.
4. Padamdam = nagpapakita ng malakas na emosyon
Pagsasanay:
Isulat sa patalang ang uri ang bawat pangungusap.
__________________________1. Lagi ka bang nahuhuli sa eskwela?
__________________________2. Naku, maaring makaapekto ito sa iyong marka!
__________________________3. Anu-ano ang mga maaari mong gawin upang maging maaga sa klase?
__________________________4. Una, ihanda ang mga gamit mo sa gabi bago matulog.
__________________________5. Ilagay ang iyong mga damit na panloob, medyas, at uniporme sa tabi ng iyong kama.
__________________________6. Ilagay ang iyong mga sapatos sa isang lugar na madali itong mahanap.
__________________________7. Tingnan rin kung kumpleto ang iyong mga gamit sa bag upang maiwasan ang pag-aaksaya ng oras sa paghahanap ng kuwaderno, aklat, papel, o iba pang gamit sa ilalim ng sofa,kabinet, o kama kinabukasan.
__________________________8. Pagkatapos ihanda ang mga kakailanganing gamit, matulog nang maaga.
__________________________9. Kung maaga ka matutulog, magiging magaan ang pakiramdam mo pagkagising sa umaga.
__________________________10. Dahil hindi ka inaantok, magiging madali at mabilis ang iyong kilos kinabukasan.