Ang payak na pangungusap ay may iba't ibang anyo.
1.Ito ay maaaring magkaroon ng payak na simuno at payak na panag-uri. (PS-PP)
Ang sopas ay mainit.
PS PP
Natutulog si Ana.
PP PS
Ang damit ay maganda.
PS PP
2. payak na simuno at tambalang panaguri (PS-TP)
Ang tubig ay malinis at malamig.
PS TP
Malayo at malamig ang bansang Iceland.
TP PS
Ang ating mga magulang ay minamahal at rinirespeto.
PS TP
3.tambalang simuno at payak na panaguri (TS-PP)
Sina Elizabeth at Joel ay magkakapatid.
TS PP
Sumasayaw sina Alyssa at Emelia.
PP TS
Ang mga aklat at pahayagan ay nasa silid-aklatan.
TS PP
4.tambalang simuno at tambalang panaguri (TS-TP)
Ang mga batang babae at lalake ay tumatakbo at naglalaro sa parke.
TS TP
Masustansya at masarap ang saging at mangga
TP TS
Si Tito AJ at kanyang mga anak ay pumunta sa aming lalawigan at binisita ang aming lolo at lola
TS TP
Pagsasanay:
Isulat kung ano ang kombinasyon ng simuno at panaguri sa patlang.
PS-PP o PS-PP
TS-PP o PP-TS
PS-TP o TP-PS
TS-TP
____1. Maaga nagising si Luisa.
____2. Ang mga mesa at upuan ay kinukumpuni ni Tatay.
____3. Ang Universal Studios at Disneylang ang dinarayo sa Japan.
____4. Binili namin ang keyk.
____5. Sina Emma at Jennifer ay mababait at masayahin.
____6. Nalaman ko ito sa pahayagan at sa radyo.
____7. Ang paborito kong kulay at asul at luntian.
____8. Kumakain ng agahan at nagbabasa ng pahayagan sina Kenji at Benjie.
____9. Ang mga ulap ay puti.
____10. Mabibigat at malalaki ang mga bato sa ilog.