Ang pangngalan ay may iba't ibang gamit.
- Simuno o Paksa - Ang pinag-uusapan sa pangungusap ay ang paksa nito. Halimbawa: Ang cellphone ay isang device na ginagamit pantawag.
- Kaganapang Pansimuno- Ang pangngalang kaganapang pansimuno ay nagsasabi tungkol sa simuno. Halimbawa: Ang Nokia 3310 ay isang cellphone.
- Layon ng pang-ukol= pangngalang matatagpuan pagkatapos ng isang pang-ukol. Halimbawa: Ang lalagyan na ito ay para sa cellphone.
- Layon ng pandiwa- pangngalang tumatanggap o pinaglalaanan ng kilos ng pandiwa. Halimbawa: Si Marisa ay bumili ng cellphone.
Isulat kung ano ang gamit ng pangngalan sa bawat pangungusap.
__________________ 1. Si Benjamin David ay isang Aleman.
___________________2. Napapagod na siyang bumiyahe papunta sa opisina dahil sa trapik kaya napagdesisyunan niya na lumangoy papunta sa trabaho.
___________________3. Ang ilog ay malapit sa kanilang opisina.
___________________4. Siya ay nagdala ng waterproof bag kung saan iniligay niya ang kanyang laptop, mobile phone, at damit.
___________________5. Ayon kay Ginoong David, bago lumangoy, tinitingnan muna niya kung tama lang ang temperatura ng tubig sa ilog.