Upang maging malinaw ang pagkasulat ng ating mga ideya, kailangan natin gamitin ang mga bantas. Ang mga karaniwang bantas na ginagamit natin ay ang tuldok, tandang pananong, tandang padamdam, kuwit, tutuldok o kolon, gitling, panipi.
1.Tuldok [.] - Ginagamit ito sa dulo ng isang pangungusap na pahayag o pautos.
Halimbawa:
a.Masaya magbakasyon kasama ang aking plan.
b.Ihanda mo na ang iyong mga gamit.
2.Tandang Pananong [?] - Ginagamit ito sa pangungusap na patanong.
Halimbawa:
a.Nakapunta ka na sa bagong palaruan sa parke?
3. Tandang Padamdam [!] - Ginagamit sa pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin
Halimbawa:
a.Takbo!
b.Bilisan mo!
c.Ayun ang saranggola!
4. Kuwit [,]
a. Ginagamit it upang paghiwalayin ang mga parirala o item sa isang listahan.
Halimbawa:
1.Ikaw, si Joan,at si Noel ang inaasahan na gagaa ng mga banderitas para sa pista.
2.Ang bibilhin natin ay mansanas, pinya, at mangga.
b. Ginagamit ito sa pagsulat ng kompletong address- upang paghiwa-hiwalayin ang pangalan ng gusali [kung mayroon], kalye, bayan, lungsod, lalawigan, bansa.
Halimbawa:
A Building, 8 Librado Street, Don Miguel, Laguna
c. Ginagamit ito sa dulo ng bating pambungad sa liham-pangkaibigan at ng bating pangakas ng iba't ibang uri ng liham
Halimbawa:
Mahal kong Irma,
Nagmamahal,
d. Sa pagsulat ng buong pangalan kapag nauuna ang apelyido sa pangalan, ginagamit ang kuwit.
Halimbawa: Cruz, Juancho
5.Tutuldok o Kolon (:)
a. Ginagamit ang tutuldok sa hulihan ng bating pambungad ng liham-pangangalakal.
Halimbawa:
Mahal na Punong-guro:
b. Sa pagsulat ng oras, isinusulat ang tutuldok sa pagitan ng oras at minuto.
Halimbawa: 6:00
6. Gitling [-]
a. Ginagamit ito sa pag-uulit ng mga salita.
Halimbawa: gabi-gabi, masayang-masaya
b. Kapag ang panlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig, ginagamit ang gitling.
Halimbawa: mag-ina
c. Ginagamit ang gitling kapag ang nilalapian ay pangngalang pantangi.
Halimbawa: maka-Diyos, mag-SM
7.Panipi - [""]
a. Ginagamit ang panipi upang kulungin ang tuwirang sinasabi ng nagsasalita.
Halimbawa: "Mag-aral ka nang mabuti upang makamit mo ang iyong mga pangarap," sabi ni Lola Anita.
b. Ginagamit upang kulungin ang pamagat ng isang artikulo o kuwentong kinuha mula sa isang aklat o koleksyon ng mga kuwento.
Halimbawa: Ang "Hele" ay isa sa mga tula sa aklat na isinulat ni Chris Santiago
PAGSASANAY
PAGSASANAY
Isulat ang tamang bantas.
- Araw ng Sabado maagang gumising si Linda
- Anu-ano ang gagawin niya sa araw na ito
- Ito ang araw na naglalaba siya
- Ang lalabhan niya ay ang mga puting dait de-kolor at pantalon
- Naku ang daming lalabhan
- Nagsimula siyang maglaba alas-singko nang umaga
- Anong oras kaya siya matatapos
- Sandra pakikuha nga ng sabon na nasa aparador sabi ni Linda
- Natapos niya ang paglalaba alas 8 30 ng umaga
- Pagsapit ng tanghalian biglang umulan
I-download ang libreng worksheet! --> Pagsasanay: Mga Bantas