Ang pang-abay ay isang salita or parirala na nagpabago ng kahulugan o katangian ng isang pang-uri, pandiwa, o isa pangkat ng salita.
Sobrang ganda ng tanawin dalampasigan.
Pumalaot ang mga mangingisda kaninang alas-3 ng umaga.
Makikita ang iba't ibang klase ng kabibe sa buong karagatan.
May iba't ibang uri ng pang-abay:
1.Pamanahon - tinutukoy nito kung kailan nangyari, nangyayari, o mangyayari ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap
Halimbawa: Araw-araw, naririnig namin ang hampas ng dagat sa dalampasigan.
2.Panlunan - [pariralang sa] Tinutukoy nito ang lugar kung saan ginagawa ang kilos
Halimbawa: Umupo sina Ashley at Alessandra sa tabi ng puno ng niyog.
3.Pamaraan- sinasabi nito kung paano ginawa, ginagawa, o gagawin ang pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa: Dahan-dahan kaming naglalakad sa mabatong tabing-dagat.