1.Pagganyak -------------------------------------------------------------------------------
Ang kaarawan ay isa sa mga pinakaimportanteng araw sa buhay ng isang tao.
Ipinagdidiriwang ito sa pamamagitan ng paghahanda kasama ang pamilya at kaibigan.
Paano ipinagdiriwang ang iyong kaarawan noong isang taon?
2.Presentasyon-----------------------------------------------------------------------------
Kaarawan ni Amanda ngayong Linggo. Hindi maitatago ni Amanda ang kanyang
kasiyahan sa kanyang kaarawan. Taun-taon, ipinagdiriwang niya ang kanyang kaarawan
kasama ang kanyang pamilya at kamag-anak. Marahil sabik na sabik na siyang makitang
muli ang kanyang mga pinsan na galing pa ng probinsiya. Talagang namimiss na niya ang
kanyang mga pinsan.
Basahin ang mga pangungusap.
1.Hindi maitatago ni Amanda ang kanyang kasiyahan sa kanyang kaarawan.
2.Marahil sabik na sabik na siyang makitang muli ang kanyang mga pinsan na galing pa ng probinsiya.
3. Talagang namimiss na niya ang kanyang pinsan na bumisita sa kanya.
Anu-ano ang mga salitang may salungguhit?
3.Pagtatalakay at Paglalahat----------------------------------------------------
Ang mga tawag sa mga ito ay pang-abay.
Ang pang-abay ay isang salita or parirala na nagpabago ng kahulugan o katangian ng isang pang-uri, pandiwa, o isa pangkat ng salita.
Sa araling ito, pag-aaralan natin ang iba’t ibang uri ng pang-abay: panang-ayon, pananggi, at pang-agam.
4.Pagsasanay-----------------------------------------------------------------------------
- Tukuyin ang mga pang-abay na panang-ayon, pananggi, at pang-agam sa bawat pangungusap.
- Siguro gagawa si Melissa ng keyk mamayang hapon.
- Hindi daw niya kelangan ng tulong.
- Talagang mahirap gumawang keyk kaya naisip ni Nelia na tulungan si Melissa.
- Tunay na matulungin si Nelia.
- Walang magawa si Melissa kundi tanggapin ang tulong niya.
- Kumpletuhin ang bawat salita. Isulat ang angkop na pang-abay na panang-ayon, pananggi, o pang-agam.
- ___________________ magiging masaya si Amanda kung sosorpresahin natin ko sa kanyang kaarawan.
- ___________________mga lobo sa isang tindahan kaya pumunta ako sa mall upang bumili.
- ________________nang lobo sa mall. Ano ang ireregalo ko sa kanya?
- _____________ gusto niya ng mga bulaklak.
- Ang mga rosas ay _________________ mabango! Bibigyan ko siya nito.
5.Paglalagom----------------------------------------------------------------------------
Kumpletuhin ang talata.
6.Aplikasyon----------------------------------------------------------------------------
A.Bilugan ang pang-abay sa bawat pangungusap at isulat sa patlang kung ito ay
panang-ayon, pananggi, o pang-agam.
1. Ang pagdiriwang ng isang okasyon ay talagang mahalaga sa buhay ng tao.
2.Nag-iipon ng pera si Martha. Marahil bibili siya ng regalo para sa kanyang ina ngayong
Pasko.
3. Ayaw niyang sabihin kung ano ang lulutuin niya para sa Noche Buena..
4. Totoong napakasaya ng pista sa amin. May palabas tuwing gabi at maraming panindang
pagkain sa plasa.
5. Baka maraming tao manonood ng fireworks display mamaya sa parke.
6. Totoong napakaganda ng mga parol na nakasabit sa bawat bahay.
7. Hindi ko maalala kung sinu-sino ang aking mga ninong at ninang.
8. Malamang may salu-salo sa bahay ni Lola ngayong sa ika-24 ng Disyembre.
9. Hindi daw nakabili ng hamon si Tita Nely.
10. “Oo, mamasko tayo kina Tito Mark at Tita Linda sa Huwebes. ”
B.Paano mo ipininagdiriwang ang Bagong Taon? Sumulat ng isang talata at gamitin ang mga pang-abay na panang-ayon, pananggi, o pang-agam.
I-download --> Pagsasanay: Pang-abay