Mga Kaantasan ng Pang-Uri



May iba’t ibang kaantasan ang pang-uri. Ito ay ang: 


Lantay

Bilang ng pangngalan na inilalarawa--> isa lamang

Halimbawa: Ang pag-eehersisyo ay importante sa ating kalusugan.


Paghahambing

Bilang ng pangngalan na inilalarawan--> dalawa

Ito ay nahahati sa dalawa.

a.Patulad- Magkakatulad ang katangian ng dalawang pangngalan o panghalip. Ang mga panlaping ginagamit ay sing-, kasing-, at mga salitang pareho, kapwa.

Halimbawa: Kapwa aktibo sina Donna at Zen.

b. Pasahol o Palamang - Ang katangian ng isa ay nakahihigit sa isa.

Halimbawa: Mas masaya ang mga taong nag-eehersisyo.

Pasukdol

Bilang ng pangngalan na inilalarawan--> higit sa dalawa

Ginagamit ang panlaping pinaka-/ napaka- o ng panlaping pagka- sabay ng paguulit na salitang-ugat at mga salitang ubod, hari, at sakdal.

Halimbawa: Ubod ng hirap ang gumising nang maaga para mag-ehersisyo.


Kaugnay na Aralin: Ang mga Kaantasan ng Pang-Uri