Pangngalan at ang Uri ng Pangngalan


Ano ang pangngalan?

Ang pangngalan ay hindi lamang salitang ginagamit natin sa pagtukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, at hayop, kundi pati rin sa mga pangyayari at emosyon. 

Sa pangkalahatan, may dalawang uri ang pangngalan:

A. Ayon sa Katangian
1.Pantangi 

Ang pangngalang pantangi ay tiyak at tanging ngalan. Ito ay nagsisimula sa malaking titik. 

Halimbawa: Keanu Reeves, Coke, Lungsod ng Maynila, Pasko, kasiyahan

2.Pambalana

Ang pangngalang pambalana naman aypangkaraniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, gawain, o pangyayari. Nagsisimula ito sa maliit na titik. 

Halimbawa: artista, inumin, lungsod, pagdiriwang, emosyon


B. Ayon sa Tungkulin

1.Tahas o Kongreto

Kung ang pangngalan ay nakikita at nahahawakan, ito ay tahas o kongkreto. 

Halimbawa: bahay, baso, aklat

2.Basal o Di Kongreto o Abstrakto 

Ang pangngalang ito ay di nakikita ngunit naiisip o nadarama. 

Halimbawa: katalinuhan, respeto, kinabukasan 

3.Lansakan
May mga salita na tumutukoy sa isang grupo ng mga pangngalan. Ang tawag sa mga salitang ito ay lansakan.

Halimbawa: organisasyon, pangkat, grupo, pamilya




Mga Pagsasanay:

A. Basahin ang talata at tukuyin ang mga pangngalang pambalana. 

Ang mga buto ay masarap at masustansya kahit ang mga ito ay mataas sa taba. Ang mga pinakaraniwang buto ay ang mani, pili, kasuy, at mirasol. Sa kasalukuyan, madaling hanapin ang mga pagkaing ito dahil mabibili ito sa mga supermarket.

B. Magbigay ng halimbawa ng pangngalang pantangi sa bawat pangngalang pambalana

1.aklat 
2.paaralan
3.guro
4.lungsod
5.bansa
6.kaibigan
7.pagdiriwang
8.pagkain
9.palabas
10.bayani

C. Isulat kung ang pangngalan ay tahas, basal, o lansakan.

________________________1. madla 
___________________________2. pagmamahal
___________________________3. kalsada
___________________________4. kalungkutan
___________________________5. hukbo
___________________________6. kotse
___________________________7. kasipagan
___________________________8. gulay
___________________________9. karangalan


 ___________________________10. kawan