Pangngalan: Kasarian at Kailanan





Ang apat na kasarian ng pangngalan ay ang mga sumusunod: 

1.Panlalaki 

Ginagamit ito para sa ngalan ng lalaki.

Halimbawa: aktor, binata, papa, tatay, ama, lolo, tito, prinsipe, hari, 

2.Pambabae

Ginagamit ito para sa ngalan ng babae.

Halimbawa: aktres, dalaga, mama, nanay, ina, lola, tita, prinsesa, reyna, 

3.Di tiyak

Maaari itong tumutukoy sa babae o lalaki.

Halimbawa: manananggol, nars, guro 

4.Walang Kasarian

Ginagamit natin ito sa mga bagay na walang kasarian.

Halimbawa: bangko, baso, papel


Ang tatlong kailanan ng pangngalan ay isahan, dalawahan, at maramihan. Ang mga pananda upang makilala ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1.Mga Pananda 
Ang mga pantukoy at pang-ukol ay mga pananda ng kailanan ng pangngalan. 

Isahan- si, ang, kay
Maramihan sina, ang mga, kina

2.Mga Pang-uring Panlarawan
Isahan - mabait na kapatid, mabangong bulaklak
Maramihan  - mababait na kapatid, mababangong bulaklak

3.Mga Pang-uring Pamilang
Isahan- isang pusa
Dalawahan - dalawang pusa
Maramihan - maraming pusa

4.Paglalapi
Isahan- magkamag-anak


Maramihan -magkakamag-anak