Ang panghalip na pumapalit sa ngalan ng tao, bagay, at iba pa na itinuturo ay tinatawag na panghalip na pamatlig.
1.Unang Panauhan - Kung ang bagay na itinuturo ay malapit sa nagsasalita ginagamit natin ang mga salitang ito, ire, nito, nire, ganito, ganire, dito, dine, at heto.
2.Ikalawang Panauhan- Kung ang itinituro ay malapit sa nagsasalita at taong kinakausap, ginagamit natin ang iyan, niyan, ganyan, diyan, o hayan.
3.Ikatlong Panauhan- Kung ang itinuturo ay malayo sa mga nag-uusap o sa nagsasalita at kinakausap ginagamit natin ang iyon, hayun, doon, ganoon, o niyon.
Pagsasanay
Tukuyin kung ang panghalip pamatlig ay una, ikalawa, o ikatlong panauhan
1.Dito natin ilalagay ang mesa.
2.Nakita bo ba iyong ulap na mukhang barko?
3.Ganire tinutupi ang mga medyas.
4.Diyan ko nakita ang hikaw ni Amelia.
5.Ganyan katamis ang pinya sa Bukidnon.
6.Gumawa na nito si Josefina para sa kanyang proyekto.
7.Heto yung bangka na ginawa nina Nilo at Edward.
8.Hayun ang saranggola ni Minerva.
9.Doon sa palasyo nakatira hari at reyna.
10.Iyan ang susuotin ko sa Linggo.