Panghalip: Ang mga Panghalip Panao

Upang hindi na maulit ang pagkagamit ng pangngalan sa isang pangungusap o talata, ginagamit natin ang panghalip panao.



May tatlong panauhan ang panghalip. 

1.Unang Panauhan- Pinapalitan nito ang tao na nagsasalita. 

Halimbawa: Akin na lang itong mangga.
                  Ako ay bibili ng aklat na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
                  Hiniram ko ang walis-tingting. 

2.Ikalawang Panauhan - Pinapalitan nito ang taong kinakausap.

Halimbawa: Ikaw ay maaaring pumunta sa health center upang magpabakuna.
                  Nasa inyo ho ba ang mga papeles na kailangan ni Gng. Baltazar?
                  Maghanda na kayo dahil darating na ang bisita.
                  

3. Ikatlong Panauhan-Pinapalitan nito ang taong pinag-uusapan.

Halimbawa: Sa kanya ibinigay ang mga biniling buko ni nanay.
                   Kumanta sila sa isang patimpalak,
                   Binenta niya ang mga puto na kanyang ginawa.
                  

May tatlong kailanan ang panghalip panao. 

1.Isahan- Tinutukoy nito ang  isang pangngalan.
Halimbawa: ako, ka, iyo, mo, niya

2.Dalawahan Tinutukoy nito ang dalawang pangngalan.
Halimbawa: natin, tayo, kayo, kanila

3.Maramihan- Tinutukoy nito ang tatlo o higit pang pangngalan.
Halimbawa: namin, natin, ninyo, inyo


Pagsasanay

Salungguhitan ang panghalip at isulat ang panauhan at kailanan nito.

1.Ang mga kalalakihan at kababaihan sa barangay ay tulung-tulong sa paglalagay  ng makukulay na banderitas sa plasa. Kaninang umaga sila nagsimulang magtrabaho.
2.Ito ang unang pagkakataon ni Jenny na dumalo sa piyesta. Kasama niya ang kanyang pamilya na bumisita sa probinsya. 
3.Maraming tao ang pumunta sa plasa upang makita nila ang makukulay na suot ng mga mananayaw. 
4. Sina Josefina at Laura ay nagtitinda ng palamig sa mga tao sa plasa. Nagtitinda sila ng halo-halo, kakanin, at sago't gulaman.
5.Bumili si Mang Ricardo ng lobo para kay Nina. Pinili niya ang kulay dilaw na lobo.
6.Habang nanonood ng programa, ang bata ay kumakain ng sorbetes. Binilhan siya ng kanyang ate.
7."Napanood mo na ba ang pag-awit ni Rochelle, Dina?"
8.Kanina pa nila hinihintay ang pagdating ng mga bisita.
9."Allia, pumunta ka dito sa kusina at tulungan mo ako sa pagluluto ng handaan."
10.Masayang kumakain ang pamilya ng hapunan pagkatapos nilang manood ng patimpalak sa plasa.