Basahin ang mga pangungusap.
Ang mga bata ay kumakanta.
Ang mga ibon ay lumilipad.
Sumisikat ang araw sa silangan.
Ano ang ginagawa ng mga bata?
Ano ang ginagawa ng mga ibon?
Ano ang nangyayari sa araw?
Ang mga salitang kumakanta, lumilipad, at sumisikat ay mga salitang-kilos o pandiwa.
Ang pandiwa ay isang salita na tumutukoy sa kilos ng isang tao, hayop, o bagay.
Halimbawa:
Ang mga bata ay naglalaro sa palaruan.
Kumain kami ng agahan sa restawran.
Ang tubig ay dumadaloy papuntang dagat.
Matutukoy mo ba ang mga salitang kilos sa mga pangungusap sa itaas?
Ang mga salitang kilos ay naglalaro, kumain, dumadaloy.
Mga halimbawa ng mga salitang kilos:
nagsusulat
nagbabasa
kumakanta
nagbibilang
umaakyat
natutulog
nagluluto
naglilinis
tumatahol
nagtatanim
Free Worksheet: Mga Pagsasanay sa Pagtutukoy at Paggamit ng mga Salitang Kilos
Ang mga larawan sa post na ito ay makikita sa openclipart.org.