Naisasaayos ang mga ang mga pangyayari sa kuwento.
Sa umaga, pumunta muna sila sa simbahan upang magdasal. Nagpasalamat si Nimfa sa Diyos sa mga biyaya.
Pagkatapos nilang magsimba, namasyal sila sa mall. Naglaro si Nimfa at ang kanyang mga pinsan sa trampolin kasama ang ibang mga bata na naging kaibigan nila.
Panuto: Ayusin ang pagkasunud-sunod ng mga pangyayari ayon sa kwento.
____ Nagtanghalian sila sa bahay.
____ Naglaro si Nimfa,Miya, at Ben sa trampolin.
____ Dumating sina Tito at tita kasama ang mga pinsan ni Nimfa.
____ Nagsimba sila upang magdasal.
____ Napakasaya ni Nimfa sa araw ng kanyang kaarawan.
Bumisita sina Tita Rita, Tito Ricky, at kanilang mga anak na sina Miya at Ben noong Disyembre. Galing sila sa probinsya. Dumating sila upang ipagdiwang ang kaarawan ni Nimfa. Tuwang-tuwa ang kanyang nanay at tatay na makita sila.
Sa tanghali, umuwi sila ng bahay. Naghanda si nanay ng keyk at iba't ibang masasarap na pagkain ang inihanda. Sama-sama silang nagtanghalian. Napakasaya ni Nimfa sa kanyang kaarawan!
Panuto: A. Sagutin ang bawat tanong. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
1. Sinu-sino ang bumisita noong Disyembre?
2. Bakit sila dumating?
3. Saan naglaro si Nimfa at ang kanyang mga pinsan?
4. Saan sila kumain?
5. Bakit napakasaya ni Nimfa sa kanyang kaarawan?