Sa pagtukoy ng mga ngalan ng tao, hayop, bagay, at pook, ginagamit ang "ang"at "ang mga".
Paano ginagamit ang "ang"?
Ginagamit ito kung ang tinutukoy na pangngalan ay iisa.
Paano ginagamit ang "ang mga"?
Ginagamit ito kung ang tinutukoy na mga pangngalan ay dalawa o higit pa.
Sa pagtukoy ng ngalan ng tao, ginagamit ang "si" at "sina".
Basahin at unawain ang mga sumusunod:
Paano ginagamit ang "si"?
Ginagamit ito kung ang tinutukoy na pangngalan ay iisa.
Paano ginagamit ang "sina"?
Ginagamit ito kung ang tinutukoy na mga pangngalan ay dalawa o higit pa.
Mga Pagsasanay
I. Bilugan ang tamang sagot
II. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
1. ______ bata ay namamasyal sa parke.
2. ______ Lina, Sam, at Jerry ay mamalengke mamaya.
3. Masarap ______ luto ni nanay.
4. ______ Carlos ay nag-aaral nang mabuti.
5. ______ kumpanya ay nagbebenta ng mga cellphones.
6. Magkakapatid ________ Vina at Vilma.
7. ______ Michael, Gabby, at Mario ay mga kaibigan ni Sam.
8. Nasa basket _______ bola.
9. ______ aklat ay iniligay ni Martha sa bag.
10. Tahimik ______ aming lugar.