Showing posts with label Pandiwa. Show all posts
Showing posts with label Pandiwa. Show all posts

Pokus ng Pandiwa




1. Ano ang pokus?
         Ito ang koneksyon ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.

2. Paano nito naipakikita?

Uri ng Pandiwa: Palipat at Katawanin





May dalawang uri ng pandiwa:

1. Palipat-

Kailan nagiging palipat ang pandiwa?

Kapag ang pandiwa ay may tuwirang layon na tumatanggap ng kilos...

Ginagamit ang ng o ng mga, sa, sa mga, kay, kina, ni at nila.


Halimbawa:

Pinipili ng maraming mamimili ang bumili ng damit sa Internet.

Mananatili ang mga bata sa loob ng silid-aklatan hanggang tanghali.

2. Katawanin

Kailan nagiging katawanin ang pandiwa?

Kabaliktaran ng palipat ang katawanin. Ang pandiwang ito ay walang tuwirang layon na tumatanggap nito.

a. naglalahad lamang ng kilos, gawain, o isang pangyayari

Halimbawa:

a. Nagkukuwentuhan ang magkakapatid sa labas ng bahay.

Si Lorna at Nila ay sumasayaw.

-Sinasabi lamang ang kilos, gawain o isang pangyayari sa mga pangungusap na ito.

b. Umuulan nang malakas.

Takbo!

-Walang simuno sa mga pangungusap na ito.

Ang mga Aspekto ng Pandiwa



Ano ang pandiwa?

Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos.

Halimbawa: takbo, basa, isip, laro, hugas

Anu-ano ang mga panahunan o aspekto ng pandiwa?

Mga Aspekto ng Pandiwa


1.Pangnagdaan / Naganap / Perpektibo
- ang salitang kilos ay nangyari na

   Mga salitang palatandaan sa aspektong pangnagdaan:

     kanina
     kahapon
     noon
     kagabi


2. Pangkasalukuyan/ Nagaganap/ Imperpektibo
- ang kilos o pandiwa ay kasalukuyang nagaganap o nangyayari o palagin ginawaga.

   Mga salitang palatandaan sa aspektong pangkasalukuyan:

     ngayon
     palagi
     araw-araw
     taun-taon
     madalas


3. Panghinaharap/ Magaganap/  Kontemplatibo
- ang kilos o pandiwa ay hindi pa nangyayari. Ito ay magaganap o mangyayari sa hinaharap.

   Mga salitang palatandaan sa aspektong panghinaharap:

     bukas
     sa susunod na araw, buwan, taon
     mamaya

Mga halimbawa:


Salitang
Kilos
Pangnagdaan/
Naganap/
Perpektibo
Pangkasalukuyan/
Nagaganap/
Imperpektibo
Panghinaharap/
Magaganap/
Kontemplatibo
awit
umawit
umaawit
aawitin
basa
binasa
binabasa
babasahin
bigay
ibinigay
ibinibigay
ibibigay
bilang
binilang
binibilang
bibilangin
dagdag
dinagdagan
dinadagdagan
dadagdagan
gapang
gumapang
gumagapang
gagapang
gawa
gumawa
gumagawa
gagawa
hanap
hinanap
hinahanap
hahanapin
hanga
humanga
humahanga
hahanga
hinga
huminga
humihinga
hihinga
hingi
humingi
humihingi
hihingi
hiram
hiniram
hinihiram
hihiramin
kilos
kumilos
kumikilos
kikilos
kita
kumita
kumikita
kikita
kulay
kulayan
kinukulayan
kukulayan
laba
naglaba
naglalaba
maglalaba
lakad
naglakad
naglalakad
maglalakad
luto
nagluto
nagluluto
magluluto
payo
pinayuhan
pinapayuhan
papayuhan
puno
pinuno
pinupuno
pupunuin
sabi
sinabi
sinasabi
sasabihin
sagot
sumagot
sumasagot
sasagot
sakit
sumakit
sumasakit
sasakit
sang-ayon
sumang-ayon
sumasang-ayon
sasang-ayon
sira
isinara
isinasara
isasara
takbo
tumakbo
tumatakbo
tatakbo
takot
tinakot
tinatakot
tatakutin
tanggap
natanggap
natatanggap
matatanggap
tapon
itinapon
itinatapon
itatapon

Ang Iba't Ibang Gamit ng Pangngalan



Ang pangngalan ay may iba't ibang gamit. 

  1. Simuno o Paksa - Ang pinag-uusapan sa pangungusap ay ang paksa nito. Halimbawa:  Ang cellphone ay  isang device na ginagamit pantawag. 
  2. Kaganapang Pansimuno- Ang pangngalang kaganapang pansimuno ay nagsasabi tungkol sa simuno.  Halimbawa: Ang Nokia 3310 ay isang cellphone
  3. Layon ng pang-ukol=  pangngalang matatagpuan pagkatapos ng isang pang-ukol. Halimbawa: Ang lalagyan na ito ay para sa cellphone
  4. Layon ng pandiwa-  pangngalang tumatanggap o pinaglalaanan ng kilos ng pandiwa. Halimbawa: Si Marisa ay bumili ng cellphone

Isulat kung ano ang gamit ng pangngalan sa bawat pangungusap. 

__________________ 1.  Si Benjamin David ay isang Aleman.

___________________2. Napapagod na siyang bumiyahe papunta sa opisina dahil sa trapik kaya napagdesisyunan niya na lumangoy papunta sa trabaho.

___________________3. Ang ilog ay malapit sa kanilang opisina.

___________________4. Siya ay nagdala ng waterproof bag kung saan iniligay niya ang kanyang laptop, mobile phone, at damit. 


___________________5. Ayon kay Ginoong David, bago lumangoy, tinitingnan muna niya kung tama lang ang temperatura ng tubig sa ilog.

Mga Salitang Kilos o Pandiwa


Basahin ang mga pangungusap. 



Ang mga bata ay kumakanta. 




Ang mga ibon ay lumilipad. 





Sumisikat ang araw sa silangan. 


Ano ang ginagawa ng mga bata?

Ano ang ginagawa ng mga ibon?

Ano ang nangyayari sa araw?


Ang mga salitang kumakanta, lumilipad, at sumisikat ay mga salitang-kilos o pandiwa

Ang pandiwa ay isang salita na tumutukoy sa kilos ng isang tao, hayop, o bagay

 Halimbawa:

     Ang mga bata ay naglalaro sa palaruan. 

     Kumain kami ng agahan sa restawran. 

     Ang tubig ay dumadaloy papuntang dagat. 


Matutukoy mo ba ang mga salitang kilos sa mga pangungusap sa itaas?

Ang mga salitang kilos ay naglalaro, kumain, dumadaloy. 



Mga halimbawa ng mga salitang kilos:

nagsusulat

nagbabasa

kumakanta

nagbibilang

umaakyat

natutulog

nagluluto

naglilinis

tumatahol

nagtatanim





Ang mga larawan sa post na ito ay makikita sa openclipart.org