May ibang paraan upang mauri ang pangngalan.
Halimbawa: mangga, plato, sapatos, papel, aso
2. Pangngalang Palansak - May mga pangngalan para sa grupo ng tao, hayop,lugar o bagay. Ang tawag sa mga ito ay pangngalang palansak.
3. Pangngalang Basal o Di Kongreto - Ang pangngalang ito ay di materyal. Ito ay isang ideya, kaisipan, o damdamin.
2. Pangngalang Palansak - May mga pangngalan para sa grupo ng tao, hayop,lugar o bagay. Ang tawag sa mga ito ay pangngalang palansak.
Halimbawa: grupo, komite, hurado, orkestra,pangkat, umpukan, pamilya,kolonya, lipi, angkan, kumpanya, tropa, kongregasyon
3. Pangngalang Basal o Di Kongreto - Ang pangngalang ito ay di materyal. Ito ay isang ideya, kaisipan, o damdamin.
Halimbawa: pag-ibig, katapangan, kaginhawaan, dedikasyon, kinabukasan, enerhiya, katapatan, buhay, tiwala
PAGSASANAY
Tukuying kung ang salita ay tahas, palansak, o basal. Isulat ang sagot sa patlang.
_________________1. komite
_________________2. katapatan
_________________3. baso
_________________4. libro
_________________5. kongregasyon
_________________6. bata
_________________7. katalinuhan
_________________8. pamilya
_________________9. hurado
_________________10. tubig
Isulat sa linya kung kongreto, palansak, o di kongkreto ang mga pangngalang may salungguhit.
_________________1. Ang grupo ng mga guro ay magpupulong sa opisina ng punong-guro.
_________________2. Pinakain ni Telma ang mga bibe sa likod ng bahay.
_________________3. Nagpakita ng katapangan si Luis. Iniligtas niya ang maliit na bata na nasa loob ng nasusunog na bahay.
_________________4. Tiningnan ng mga hurado ang proyekto ng bawat kalahok sa Science Fair.
_________________5. Si Noel ay isang masipag na mag-aaral. Ang kasipagan sa pag-aaral ang siyang tutulong sa kanya upang maging matagumpay sa buhay.
_________________6. Bumili ng limang basket ng mansanas si Aling Gloria.
_________________7. Ang kagandahan ng ating kapaligiran ay dapat pangalagaan.
_________________8. Ang pamayanan ay binubuo ng mga mag-anak.
_________________9. Gumawa ng mga saranggola ang mga bata.
_________________10. Ang pagsunod sa mga batas ay pagpapakita ng pagmamahal sa bayan.