Basahin ang talata:
A.
Si Toshi ay kaibigan nina Mina at Danny. Si Toshi ay pumunta sa bahay ng mga kaibigan niya. Sina Toshi, Mina at Danny ay naglaro ng taguan sa tapat ng bahay. Sina Toshi, Mina at Danny ay napagod sa paglalalaro. Sina Toshi, Mina at Danny ay kumain ng suman at uminom ng tubig. Si Toshi ay umuwi ng bahay. Si Toshi ay masaya.
B.
Si Toshi ay kaibigan nina Mina at Danny. Siya ay pumunta sa bahay ng mga kaibigan niya. Sina Toshi, Mina at Danny ay naglaro ng taguan sa tapat ng bahay. Sila ay napagod sa paglalalaro. Sila ay kumain ng tinapay at uminom ng tsokolate. Si Toshi ay umuwi ng bahay pagkatapos. Siya ay masaya.
Anong masasabit mo sa unang talata?
Anong masasabi mo sa pangalawang talata?
Pansinin ang mga pangungusap sa ibaba:
Si Toshi ay kaibigan nina Mina at Danny.
Siya ay pumunta sa bahay ng mga kaibigan niya.
Sina Toshi, Mina at Danny ay naglaro ng taguan sa tapat ng bahay.
Sila ay napagod sa paglalalaro.
Anong salita ang pumalit sa pangngalan na "Toshi"?
Anong salita ang pumalit sa "Sina Toshi, Mina at Danny "?
Upang hindi paulit-ulit ang pagbanggit ng pangngalan, ginagamit ang mga panghalip.
Ginagamit ang ako ng taong nagsasalita.
Halimbawa: Ang pangalan ko ay Jake. Ako ay nasa Ikalawang Baitang.
Ginagamit ang ikaw upang tukuyin ang taong kinakausap.
Halimbawa: Saan ka pupunta? Ikaw ba ay nagpaalam na kay nanay?
Ang siya ay tumutukoy sa taong pinag-uusapan.
Halimbawa: Si Omay ay magbabayad ng upa ng bahay. Siya ay pupunta sa bahay ni Gng. Munoz.
Ang kami ay salitang tumutukoy sa taong nagsasalita kasama ang iba pang tao.
Halimbawa: Ako at si Mina ay nag-aaral. Kami ay may pagsusulit bukas.
Ang tayo ay salitang tumutukoy sa taong nagsasalita kasama ang mga taong kausap niya.
Halimbawa: Ikaw at ako ay magluluto ng paksiw. Tayo ay maghahanda ng hapunan para kay tatay at nanay.
Ang kayo ay tumutukoy sa mga taong kinakausap.
Halimbawa: Ikaw at si May ay pwedeng maglaro sa plasa. Kayo ay pinayagan ni nanay.
Ang sila ay tumutukoy sa mga taong pinag-uusapan.
Halimbawa: Sina Kent, Brent, at Clint ay magkakapatid. Sila ay ang mga anak nina G. at Gng. Winston.
Pagsasanay
I. Isulat ang ankop na panghalip sa patlang.
1.Ako at si Melay ay pupunta sa palengke. ________ ay mamimili ng gulay.
2.Ikaw at si Del ba ay sasama?_______ ay maghanda na.
3. Ikaw at ako ay gagawa ng proyekto pagkatapos ng klase. ______________ ay hihingi muna ng pahintulot sa ating mga magulang.
4. Si Natty ay nakikinig nang mabuti sa kanyang guro. _______________ ay isang mabait na bata.
5.Jessa at Noel, ____________ ay magwawalis sa harap ng ating bahay.
6. Sina Flora, Lora, at ako ay magtatanim ng talong sa bukid. _____________ ay sasamahan ni tatay at nanay.
7. Ang pangalan ko ay Kira. ____________ ay ipinanganak noong Abril.
8. Kinuha ko ang diyaryo at ___________ ay nagbasa.
9. Danny, ____________ ba ay handa na sa patimpalak?
10. Si Jackie ay naglinis ng bahay buong araw. _______________ ay nagpahinga pagkatapos maglinis.