Ang pang-ukol ay isang salita o mga salita na nag-uugnay sa isang pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap.
Ang mga pang-ukol na gagamitin sa aralin na ito ay ang mga sumusunod:
ni
nina
kay
kina
para sa
para kay
ayon sa
ayon kay
ukol sa
ukol kay
Tinutukoy ng mga salitang ito kung kanino o para kanino ang isang bagay,kanino galing ang isang impormasyon, o tungkol saan ang isang bagay.
Nahahati sa dalawang grupo ang mga pang-ukol.
Mga pang-ukol na ginagamit para sa mga pangngalang pambalana na tumutukoy sa lahat ng uri ng pangngalan, at pangngalang pantangi na tumutukoy sa lugar, bagay, o pangyayari:
para sa ukol sa ayon sa
Halimbawa:
Ang damit ay para sa bata.
Ang kwento ay ukol sa Lungsod ng Marikina.
Ayon sa bata, gagawin niya ang takdang-aralin pagkatapos ng hapunan.
Mga pang-ukol na ginagamit para sa mga pangngalang pantangi ng pangngalang panlalaki o pambabae.
Isahan- ni, kay, para kay, ukol kay, ayon kay
Maramihan- nina, kina, para kina, ukol kina, ayon kina
Halimbawa:
Kinuha ni Tanya ang mga aklat sa bag.
Dinalhan nina Tony at Alma ng pasalubong si Lola Ising.
Ang tsokolate ay para kay Noel.
Ang sinulat niyang kuwento ay ukol kay Andres Bonifacio.
Ayon kina Rose at Shiela, nasa Maynila si Pedro.
Panuto: Bilugan ang tamang pang-ukol na kukumpleto sa pangungusap.
1. Ang paghalik ng kamay ay tanda ng pagmamahal (para sa, para kay) mga magulang.
2. Ang mga mangga ay ( para kay, para kina) Claire.
3. Ang regalo na ito ay (kay, kina) Dina at Mina.
5. Ang sulat ni Maria ay (ukol sa, ukol kay) kaarawan ni Nilo.
6. (Ayon sa, Ayon kay) doktor, kailangan ka magpahinga ng limang araw dahil ikaw ay may lagnat.
7. Binilhan (ni, nina) Ninang Lourdes si Clarence ng bagong laruan.
8. Ang kwentong nabasa ko ay (ukol sa, ukol kay) isang prinsesa.
9. (Para kay, Para kina) Abby at Cathy ang mga sapatos na ito.
10. Ginawan (ni, nina) Nita si Louise ng eroplanong papel.