Naisasaayos ang mga ang mga pangyayari sa kuwento.
Ang Pamilya Lopez
Tuwing Sabado at Linggo, sama-sama ang mag-anak na Lopez. Naglilinis sila ng bahay tuwing Sabado ng umaga. Sa hapon naman sila ay naglilinis ng bakuran. Sa gabi, sabay-sabay silang nanonood ng programa telebisyon. Tuwing Linggo, pumupunta sila sa simbahan upang magdasal. Kumakain sila sa labas pagdating sa hapon. Sa Linggo ng gabi, sabay-sabay silang tumutugtog ng mga instrumento tulad ng gitara, tambol, at mga trumpeta. Mahalaga ang Sabado at Linggo para sa pamilyang Lopez.
A. Sagutin ang bawat tanong.
1. Sinu-sino ang sama-sama tuwing Sabado at Linggo?_____________________________________________________
2. Ano ang ginagawa nila tuwing Sabado ng umaga?
_____________________________________________________
3. Ano ang ginagawa nila tuwing Sabado ng gabi? _____________________________________________________
4. Anong araw sila nagsisimba?
_____________________________________________________
5. Bakit mahalaga ang Sabado at Linggo para sa pamilyang Lopez?_____________________________________________________
B. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari ayon sa kuwento. Isulat ang 1,2,3,4,o 5 sa patlang.
_______ Nanonood sila ng programa sa telebisyon.
_______ Naglilinis sila ng bahay.
_______ Nagsisimba sila.
_______ Tumutugtog sila ng mga instrumento.
_______ Kumakain sila sa labas.