Ano ang pangngalan?
Ang pangngalan ay ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari.
tao
abogado,ate, ale,Ana, barbero, bata, kartero, dentista, Dennis, guro, Glenda, inhenyero, Juan, lolo, mananahi, pulis, tatay
hayop
aso,baboy, daga, ibon, kalabaw, kuneho, langgam, palaka, paniki, pusa, Tagpi,
bagay
aklat, bahay, bulaklak, cellphone, kahon, iPad, Mongol, sapatos,
pook
bahay, NCCC Mall, hardin, ilog, Laguna de Bay, palayan, paaralan, zoo
pangyayari
kaarawan, Bagong Taon, Pasko, pista
Salungguhitan ang pangngalan o mga pangngalan sa bawat pangungusap.
- Ang mga ibon ay lumilipad.
- Saan nakatira si Norma?
- Tagpi, halika rito!
- Naputol ang lapis.
- Ibinigay ko sa kanya ang papel.
- Umupo sila sa ilalim ng puno.
- Dumalo kami sa pista ng San Nicholas.
- Si nanay ay bumili ng saging sa palengke.
- Nanonood ng palabas sa telebisyon ang mga bata.
- Ang Pasko ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre.
Mga Sagot: ibon, Norma, Tagpi, lapis, papel, puno, pista, San Nicholas, nanay, saging, palengke, palabas, telebisyon, bata, Pasko, Disyembre