Narito ang iilang pagsasanay sa pagsunod sa mga panuto.
Ang mga kailangang kagamitan ay lapis, papel, pangkulay, at ruler.
A. Gawin ang bawat panuto.
1. Gumuhit ng isang malaking kahon.
2. Gumuhit ng isang bahay sa gitna ng kahon.
3. Gumuhit ng isang kahoy sa bandang kanan ng bahay.
4. Gumuhit ng araw at mga ulap sa ibabaw ng bahay at puno.
5. Kulayan ang larawang ginawa.
B. Sundin ang mga panuto.
1. Gumuhit ng bilog sa gitna ng papel.
2. Isulat ang buo mong pangalan sa loob ng bilog.
3. Salungguhitan ang iyong apelyido.
4. Isulat ang iyong palayaw sa ibaba ng iyong buong pangalan.
5. Kahunan ang iyong palayaw.
C. Sundin ang bawat panuto.
1. Ano ang paborito mong pagkain? Isulat sa patlang. _________________
2. Bilugan ang salitang tumutukoy sa pangalan ng buwan. Lunes Linggo Mayo Sabado
3. Salungguhitan ang pangalan ng isang bulaklak. rosas bahay ilaw upuan
4. Isulat ang kasunod na bilang. 9 10 11 ____
5. Anong titik ang kasunod ng titik S? Isulat sa patlang. _________