Parirala, Sugnay, at Pangungusap

 




1.Kapag ang isang grupo ng salita ay walang diwa, ito ay isang parirala. Wala itong simuno at panaguri.

Halimbawa:
  • sikat ng araw
  • magdala ng materyales
  • mga magagaling na siyentipiko

2.Ang grupo ng mga salita na may buo o hinding buong diwa ay tinatawag na sugnay.

Dalawang Uri ng  Sugnay

a.Sugnay na makapag-iisa

     -Ito ay lipon ng mga salita na may simuno at panaguri. Buo pa rin ang diwa nito kahit inihiwalay sa pangungusap.

b.Sugnay na di makapag-iisa
      - Ito ay lipon ng mga salita na may simuno at panaguri subalit hindi nagbibigay ng buong diwa kapag inihiwalay sa pangungusap. Pinangungunahan ito ng  pangatnig gaya ng habang, ngunit, kung, samantala, sapagkat. 

Halimbawa: 
1.Bagaman isang satellite ng daigdig, ang buwan ay mas malaki kaysa sa Pluto.
      sugnay na di makapag-iisa                       sugnay na makapag-iisa
                   
2.Ang ilang mga sinaunang tao ay naniniwala na ang buwan ay isang mangkok ng apoy, habang ang iba ay inakala na ito ay isang salamin
                            sugnay na makapag-iisa                                                                                                                       sugnay na di makapag-iisa
na sumasalamin sa mga lupain at dagat ng Daigdig.
     
                         
3.Ang Estados Unidos ay naglunsad ng isang serye ng mga misyon ng Pioneer, Ranger at Surveyor, habang ang Soviet Union ay nagpadala
                                      sugnay na makapag-iisa                                                                                                                                  sugnay na di makapag-iisa
ng mga pagsisiyasat sa ilalim ng pangalang Luna at Zond.
       

3. Ang pangungusap ay  isang salita or grupo ng mga salita na may simuno at panag-uri at nagsasaad ng buong diwa. Nagsisimuula ito sa malaking titik at nagtatapos sa tuldok, tandangn pananong, o padamdam.

Paksa o Simuno-Ito ang bahaging pinag-uusapan sa pangungusap.

Ang paksa ay payak kung ito ay basal samantalang buo kung isinasama ang lahat ng mga salitang tumutulong sa simuno.

Panaguri–Ito ang bahaging nagsasabi tungkol sa simuno. Maaari din itong payak o buong panaguri.

Halimbawa:

Ang buwan ay may isang napakaliit na core.

Buong simuno: Ang buwan

Payak na simuno: buwan

Buong panaguri: ay may isang napakaliit na core

Payak na panaguri: may