Pang-abay na Kataga o Ingklitik, Kondisyonal, at Kusatibo

FILIPINO V

Pang-abay na Kataga o Ingklitik, Kondisyonal, at Kusatibo 


Pamagat: Laro ng Lahi


Layunin:Nagagamit ang pang-abay na Kataga o Ingklitik, Kondisyonal , at Kusatibo.



1.Pagganyak -------------------------------------------------------------------------------


        Noong wala pang computer games at mobile games, ang paboritong aktibidad ng mga batang Pilipino ay ang paglalaro ng mga katutubong laro. 



        Anu-ano ang mga laro ng lahi?




2.Presentasyon--------------------------------------------------------------------------


      Basahin ang mga pangungusap.


         Nasa bahay ako ng aking lola isang araw dahil bumisita ang aming pinsan galing Maynila. Isang umaga,  ang aking mga pinsan ay nabagot na dahil hindi sila nakapanood ng palabas. Magiging masaya ang lahat kung may gagawin kami habang hinihintay si Tito Ben na ayusin ang telebisyon. Naisipan kong maglaro kami ng mobile games. Naisipan ko din na subukan namin maglaro ng mga larong Pilipino. Pumunta kami sa bakuran at tinuruan ko sila paano maglaro ng luksong-baka. 

      Lima kaming magpipinsan at pinili namin si Luisa na maging baka. Bilang taya, siya ay lumuhod sa lupa na nakayuko at ang mga kamay niya ay nasa harap ng kanyang mga tuhod.  Isa-isang kaming tumalon sa ibabaw ng baka. Pagkatapos, nagpalit siya ng posisyon at tumalon ulit kami. Dahan-dahang tumataas ang posisyon ng baka pagkatapos ng ilang ikutan. Maaaring hawakan ng kamay ang likod ng taya habang tumatalon ngunit hindi dapat mahulog o masagi ng ibang parte ng katawan ang baka habang tumatalon ang manlalaro. Nahulog si Dan habang tumalon kaya siya tuloy ang pumalit kay Luisa. Napakasaya namin at hindi namin namalayan na tanghali na pala. 

      Naging masaya ang aming araw dahil nakapaglaro kami ng luksong-baka. Sa susunod, maglalaro ulit kami at susubukan namin ang iba pang larong Pinoy.  


Basahin ang mga pangungusap:


1.Nahulog si Dan habang tumalon kaya siya tuloy ang pumalit kay Luisa.

2.Magiging masaya ang lahat kung may gagawin kami habang hinihintay si Tito Ben.

3. Naging masaya ang aming araw dahil nakapaglaro kami ng luksong-baka. 


 Anu-ano ang mga salitang may salungguhit?


3.Pagtatalakay at Paglalahat----------------------------------------------------


Ang mga tawag sa mga ito ay pang-abay.   Ang pang-abay ay isang salita or parirala na nagpabago ng kahulugan o katangian ng isang pang-uri, pandiwa, o isa pangkat ng salita. Sa araling ito, pag-aaralan natin ang iba’t ibang uri ng pang-abay: kataga o ingklitik, kondisyonal , at kusatibo.


1.Kataga o Ingklitik - Nakikita natin to pagkatapos ng unang salita sa pangungusap. Hindi nawawala ang kahulugan ng pangungusap kung tatanggalin ito. 


Mga Ingklitik


pa, kaya, naman, man, ay, aba, naku, rin, din, hala, hoy, aray, na, ala, sana, ha, na, ba, yata, pala, tuloy, nang, lamang, lang, muna, daw, raw


Halimbawa: 

Saan ba tayo kukuha ng mga materyales para sa gagawin nating bahay para sa mga ibon. 


2. Kondisyonal - Ginagamit ang mga pang-abay na ito upang ipahayag ang kondisyon na siyang dahilan kung bakit nangyayari ang isang kilos. 


kung, kapag o pag, at pagka. 


Halimbawa: Magiging isang magaling na manunulat si Rico kung nag-eensayo siya sa pagsusulat araw-araw. 


3. Kusatibo - Tinutukoy ng pang-abay na kusatibo ang dahilan ng pangganap sa kilos ng pandiwa. 


dahil sa


Halimbawa: Nanalo si Manny sa eleksyon dahil maraming sumuporta sa kanya. 


4.Pagsasanay----------------------------------------------------------------------------


  1. Salungguhitan ang mga pang-abay at isulat kung ito ay kung ito ay ingklitik, kondisyonal, o kusatibo. 


  1. Ang mga kabataan ay kailangan matutunan ang iba’t ibang larong Pilipino dahil bahagi ang mga ito ng kultura ng ating bansa. 

  2. Kilalanin din natin ang mga laro ng lahi upang hindi makalilimutan ang ating tradisyon. 

  3. Masaya maglaro ng piko kapag maganda ang panahon. 

  4. Mananalo ako sa larong langit-lupa kung hindi ako mahuhuli ni Claire.

  5. Madali raw ang dama para sa kanya.








  1. Kumpletuhin ang bawat salita. Isulat ang angkop na pang-abay na ingklitik, kondisyonal, o kusatibo.


  1. Hindi ____________ siya nakapagtapos ng pag-aaral, umasenso pa rin ang buhay niya. 

  2.  _____________ tatawagan ka ni Nanay Mel ngayon at pinayagan ka, maaari kang sumama sa amin sa bukid. 

  3. Sobrang saya _____________niya nang dumating ang kanyang Tatay galing Abu Dhabi. 

  4. Gusto ni Kye tumira sa Davao Oriental ____________ ganda ng lugar.

  5. Nahulog __________ ang mga binili kong bibingka. Bakit pa kasi tumakbo pa ko pauwi ng bahay. 






4.Paglalagom----------------------------------------------------------------------------


Anu-ano ang iba pang pang-abay? 



5.Aplikasyon----------------------------------------------------------------------------


Gamitin ang mga pang-abay sa pangungusap. 


  1. pala = _________________________________________________________

  2. kung = _________________________________________________________

  3. dahil sa = _________________________________________________________

  4. ba = 

_________________________________________________________

  1. yata = _________________________________________________________