Ano ang pandiwa?
Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos.
Halimbawa: takbo, basa, isip, laro, hugas
Ang mga panahunan o aspekto ng pandiwa ay ang panahunang pangnagdaan o perpektibo, panahunang pagkasalukuyan o imperpektibo, at panahunangn panghinaharap o kontemplatibo.
1.Perpektibo - Ang salitang kilos ay natapos na o katatapos pa lang.
Pandiwa Pangnagdaan o Perpektibo
alam inalam
basa binasa
takbo tumakbo
kuha kumuha
tulog natulog
2. Imperpektibo- Ang salitang kilos ay na nasimulan na ngunit patuloy na ginagawa at hindi pa tapos
Pandiwa Pangnagdaan o Perpektibo
kuha kinukuha
kain kumakain
bili bumibili
sali kumuha
tulong tumutulong
3.Kontemplatibo- Ang salitang kilos na hindi pa nauumpisahan.
Pandiwa Pangnagdaan o Perpektibo
linis maglilinis
lipat lilipat
gawin gagawin
usap mag-uusap
pili pipiliin
Mga Pagsasanay
Salungguhitan ang mga pandiwa at isulat kung ito ay perpektibo, imperpektibo, o kontemplatibo.
- Sina Maria at Sara ay nag-uusap sa kantina.
- Maraming gagawing takdang-aralin si Maria ngayon.
- Naghahanda sina Nanay at Carmelita ng agahan.
- Nasira ang computer na ginamit kaninang umaga.
- Magsasara kami ng tindahan nang maaga.
- Nakatulog si Luisa sa sala kanina habang gumagawa siya ng proyekto sa Araling Panlipuanan.
- Darating ang mga kamag-anak nina Charlie at Elizabeth.
- Nagbasa kami ng aklat tungkol sa yaman ng Pilipinas sa klase.
- Tuwing Linggo, naliligo ang mga bata sa malinis na ilog.
- Mag-aaral ako mamaya para sa pagsusulit bukas kaya hindi ako pwedeng mamasyal sa mall ngayon.