Tingnan ang mga grupo ng salita sa baba:
matamis saging matalino bata
Ang pang-angkop ay isang salita na nag-uugnay sa isa pang salita.
May dalawang pang-angkop na ginagamit natin. Ito ay ang:
1.na - ginagamit natin ito kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa titik n.
Halimbawa:
matamis na saging
malutong na mangga
mataas na pader
2.ng -
ginagamit natin ito kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig
Halimbawa:
malayang ibon
maiksing damit
matalinong bata
Kung ang salita ay nagtatapos sa n, titatanggal natin ang n at idinaragdag natin ang ng.
Halimbawa:
matuling kabayo
malikhaing pintor
masunuring anak
Pagsasanay:
Isulat sa patlang ang tamang pang-angkop.
1. Nanood sila ng nakakatakot ___ palabas kagabi.
2. Diniligan niya ang mga luntian ___ halaman.
3. Ang mga gutom ___ oso ay bumaba papunta sa kabahayan.
4. Mahalaga ang malinis ___ kapiligiran upang maging malusog ang mga mamamayan.
5. Si Page ay isang masayahin ___ aso.
6. Ang mga kahanga-hanga ___ manlalaro ay mapagkumbaba.
7. Magulo __ klase nang dumaan si Gng. Cortez.
8. Ang durian ay isang kakaiba ___ prutas.
9. Binigyan niya si Ayla ng isang malambot ___unan.
10. Ang matulungin___ anak ay kaaya-aya.