Layunin: Nagagamit ang iba't ibang uri ng panghalip.
Sa araling ito, pagtutuunan natin ng pansin ang tatlong uri ng panghalip: panghalip panao, panghalip na pamatlig, at panghalip na pananong.
Panghalip Panao
Ang ipinapalit sa ngalan ng tao ay panghalip panao.
Ang mga panghalip panao ay:
ako, akin, ko
siya, sila
kita, kata
tayo, kami, natin, naming, atin, amin
ikaw, ka
Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun)
Ang salitang ginagamit para ipalit sa pangngalang tumutukoy sa isang lugar kung saan ang isa ang pangngalan.
Kung ang isang pangngalan ay malapit sa nagsasalita ginagamit ang ito, heto, dito.
Kung ang isang pangngalan ay malapit sa kausap ginagamit ang iyan, hayan, diyan.
Kung ang isang pangngalan ay malapit sa kausap ginagamit ang iyon, hayun, doon.
Ang panghalip na ginagamit na panghalili sa tinatanong na pangngalan.
Ang mga panghalip pananong ay:
alin
alin-alin
ano
anu-ano
sino
sinu-sino
Mga Pagsasanay
Pagsasanay 1
Tukuyin kung ang panghalip ay panao, pamatlig, o pananong.
______________ 1. sino
______________ 2. ko
______________ 3. kita
______________ 4. ito
______________ 5.diyan
______________ 6. tayo
______________ 7.anu-ano
______________ 8. ikaw
______________ 9. alin-alin
______________ 10. heto
Pagsasanay 2
Isulat ang tamang panghalip sa patlang.
sila ikaw alin ito kayo kami iyon siya saan anu-anong
- ___________ sa mga libro ang nais mong basahin?
- Dadalaw _________ kina Tito Lenny pagkatapos ng aming klase.
- Marina, halika muna dito. Ngayong gabi, ________ ang maghuhugas ng pinggan.
- Ikaw at si Martin ay kakausapin ni Gng. Cruz kaya ______ ay pinapapunta sa kanyang opisina.
- Hinahanap ko ang aking aklat. Nasaan na kaya _____?
- Maagang gumising si Mang Andy. ______ ay bibili ng pandesal sa panaderya.
- _____________ nabibili ang salakot?
- _____________ ang sampalok na inilalagay sa sinigang.
- _______________ mga prutas ang inihanda ni nanay?
- __________ ang nanalo sa patimpalak. Nakuha nila ang