Isang Linggo, masayang kumain sina Jenny, Luisa at Dindo sa tabing ilog. Pagkaraan ng isang oras, nais na nilang umuwi.
Kinuha nila ang kanilang mga gamit.
"Huwag natin iwan ang mga kalat natin dito, " ang sabi ni Jenny.
"May tagalinis naman dito. Pabayaan na lang natin. Kailangan na natin umalis agad, " ang sabi ni Dindo.
"Hindi ba mas mabuti na tayo na lang ang pumulot ng mga kalat natin? Hindi lang tayo nakatutulong sa tagalinis kundi pati sa kalikasan."
"Jenny. Tingnan mo sila. Nililigpit din ang mga kalat nila," sabi ni Luisa.
Nakita din ni Dindo ang ibang tao na naglilinis ng kalat nila. Nais din nila mapanatili ang ganda ng paligid malapit sa ilog.
"Tulung-tulong tayo sa pagpapanatili ng kalinisan at kagandahan ng ating kapaligiran. Kung kaya naman natin, tayo na ang gumawa, " sabi ni Jenny.
Pagkatapos nilang magligpit, tumingin muli si Dindo sa paligid at ngumiti.
Sagutin ang mga tanong.
- Sinu-sino ang mga bata sa kwento?
- Saan sila nag-piknik?
- Ano ang sinabi ni Jenny habang nagligpit sila ng kanilang mga gamit?
- Ano ang sagot ni Dindo kay Jenny?
- Sumasang-ayon ka ba kay Dindo? Bakit?
- Ano ang ginawa ng ibang mga tao na nagpiknik din sa may ilog?
- Kung ikaw si Jenny, gagawin mo ba ang ginawa niya?
- Kung ikaw si Dindo, ano ang gagawin mo?
- Anu-ano ang ibat' ibang paraan upang mapanatili ang kalinisan sa ating kapaligiran?
- Bakit kailangan nating mapanatili ang kalinisan sa ating kapaligiran?