Alam mo ba kung anong salita ang ginagamit natin upang ilarawan o bigyang-turing ang mga pangngalan o panghalip?
Ang salitang ito ay tinatawag na pang-uri.
Inilalarawan nito ang bilang, laki, hugis, uri, kulay, itsura, ugali, sukat, lasa, at amoy ng isang bagay.
Mga pangungusap na may pang-uri.
1.Nang pumunta sina Miya at Jona sa bahay, nakita nila ang napalaking manika sa sala.
2.Nilagyan ni nanay ang sinigang ng sampalok kaya ito ay maasim.
3.Malamig ang tubig sa ilog kaya hindi kami naligo doon.
4.Inilagay niya ang walong mansanas sa basket.
5.Maaliwalas ang langit ngayon.
Pagsasanay
Salungguhitan ang mga pang-uri.
1.Mahilig ako manuod ng nakakatakot na mga palabas.
2.Gustung-gusto ko magkaroon ng alagang pusa na mataba at malambot ang balahibo.
3.Malulusog ang mga batang nag-eehersisyo.
4.Paborito ni Katrina ang matamis na rambutan.
5.Napanalunan ni Yasu ang malambot na stuff toy sa isang laro.
6.Pumunta kami sa hardin na may mga mahalimuyak na bulaklak.
7.Isang masipag na inhinyero si Jonathan.
8.Mahilig pumunta sa mga makasaysayang lugar ang mga turista.
9.Napakaraming malalaki at maliliit na kahon sa bodega.
10.Ang sisig na niluto ni Tita Mabel ay maanghang.