Anong salita ang nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnay , o pangungusap?
Ang salitang ito ay ang pangatnig.
Mga halimbawa ng pangatnig:
Mga Pagsasanay
Panuto: Bilugan ang mga pangatnig.
1.Bago niluto ni Benjie ang pasta, inihanda muna niya ang sarsa.
2.Napagpasiyahan kong kumuha ng mas mahal na rice cooker dahil mayroon itong lifetime warranty.
3.Gusto kong magluto ng adobo ngunit wala nang toyo.
4.Habang naglalaba si Nadine, kinukumpini ni Tim ang sirang mesa.
5.Matulog ka nang maaga at tiyak na magigising ka nang maaga.
6.Kung sakali mang hindi pa ako nakauwi, pakibigay na lang ang aklat sa aking kapatid.
7.Nalilito ako kung anong klaseng keyk ang bibilhin ko, tsokolate o ube?
8.Ang mga bilihin sa tiangge ay mura at magaganda.
9.Pagkatapos kumain ng hapunan, nanood ang pamilya ng isang palabas sa sala.
10.Matagal dumating si Christine dahil tinapos niya ang kanyang report.
Susunod: Mga Pang-angkop
Susunod: Mga Pang-angkop