Maari ninyong basahin ang Uri ng Pang-abay: Pamaraan at Pamanahon upang malaman ang iba pang uri ng pang-abay.
Ang salitang nagsasabi kung saan nangyari o ginawa ang kilos ng pandiwa ay isang pang-abay na panlunan.
Mga Halimbawa
1. Nag-eenjoy si Miya sa paglalaro ng crane game sa mall.
2.Nanood ng parada ang mga bisita sa plaza.
3.Tuwing Sabado at Linggo, inaalagaan niya ang kanyang mga apo sa bahay.
Matutukoy mo ba ang mga pang-abay na panlunan? Bilugan ang mga ito.
1.Ang mga bahay sa Sambuca, Italy ay napakamura.
2.Naghanap si Maricar ng bagong bahay sa Internet.
3.Ang bahay nila Jonathan at Ana ay malapit sa dagat.
4.Tumubo ang halaman sa tabi ng puno.
5.Nakatira siya ngayon sa Estados Unidos.
6.Mahilig siya pumunta sa silid-aklatan.
7.Gagawa kami ng brownies sa kusina.
8.Kinuha ni Celia ang mga walis sa likod ng bahay.
9.Ang kabayo ay nasa labas ng kwadra.
10.Itanim sa isipan ang mga turo ni nanay.