Ang pagpapakilala sa sarili ay isa sa mga pinakamahalagang kakayahan na dapat matutunan ng isang bata.
Mga karaniwang tanong sa pagpapakilala sa sarili
Anong pangalan mo?
Ilang taon ka na?
Saan ka nakatira?
Sinu-sino ang mga magulang mo?
Saan ka nag-aaral?
Ano ang pangalan ng paaralan mo?
Sino ang iyong guro?
Nasa anong baitang ka na?
Gawain
Palabunutan
Kagamitan:
isang maliit na kahon o lalagyan, mga tanong na nakasulat sa mahahabang piraso na papel,
Gupitin ang mga mahahabang piraso ng papel at itupi ang bawat isa at ilagay sa maliit na kahon.
Sa gawaing ito, maaaring dalawang bata ang maghalinhinan sa pagsagot ng mga tanong.
1. Bubunot ang unang bata ng isang papel.
2. Babasahin niya ang tanong sa ikalawang bata na sasagot sa tanong.
3. Pagkatapos sagutin ng ikalawang bata ang tanong, bubunot siya ng tanong sa kahon at babasahin ito sa unang bata.
4. Maghalinhinan ang dalawang bata sa pagsagot hanggang masagot nila ang lahat ng tanong.
Graphic Organizer
Panuto: Idikit sa gitnang bilog ang iyong larawan. Isulat ang bawat detalye tungkol sa iyong sarili sa bawat bilog na nakapalibot sa iyong larawan.
Worksheets
A. Sagutin ang bawat tanong. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
Anong pangalan mo?
_____________________________________________________________
Ilang taon ka na?
_____________________________________________________________
Saan ka nakatira?
_____________________________________________________________
Sinu-sino ang mga magulang mo?
_____________________________________________________________
Saan ka nag-aaral?
_____________________________________________________________
Nasa anong baitang ka na?
_____________________________________________________________
Sino ang iyong guro?
_____________________________________________________________
B. Panuto:Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.
Hanay A
________1. Anong pangalan mo?
________2. Ilang taon ka na?
________3. Saan ka nakatira?
________4. Sinu-sino ang mga magulang mo?
________5. Saan ka nag-aaral?
________6. Nasa anong baitang ka na?
________7. Sino ang iyong guro
Hanay B
a. Ako si Liway Cruz.
b. Ako ay 6 na taong gulang.
c. Nakatira ako sa 8 Daang Salvador, Diliman, Lungsod ng Quezon.
d. Sina Norma at Rico Cruz ang mga magulang ko.
e. Sa Mababang Paaralan ng Lapu-Lapu ako nag-aaral.
f. Ako ay nasa unang baitang.
g. Si Gng. Ana Santos ang aking guro.
B. Kumpletuhin ang bawat pangungusap.
1. Ako si ________________________________________________________________.
2. Ako ay ________ taong gulang.
3. Ang aking mga magulang ay sina ___________________________________
_______________________________________________________________.
4. Sa _______________________________________________ ako nag-aaral.
5. Ako ay nasa _______________________.
Maaaring i-download ang mga PDF Files ng mga pagsasanay.
I-click lang po ito:
Mga Pagsasanay sa Pagpapakilala sa Sarili
I-click lang po ito:
Mga Pagsasanay sa Pagpapakilala sa Sarili
Mga Batayan: