Ang simuno ang panaguri ay ang mga bahagi ng isang pangungusap.
Simuno
Ang simuno ang siyang nagsasabi kung ano o sino ang pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ang paksa ng pangungusap.
Halimbawa:
1.Ang mga lobo ay makukulay.
Ano ang makukulay? Ang mga lobo
2.Si Martha ay naghuhugas ng pinggan.
Sino ang naghuhugas ng pinggan? Si Martha
3. Nagtatanim ng palay sina Lukas at Tonyo.
Sinu-sino ang mga nagtatanim ng palay? Sina Lukas at Tonyo
Panaguri
Nagsasabi tungkol sa simuno o paksa ang panaguri.
1.Ang mga lobo ay makukulay.
Ano ang sinasabi tungkol sa mga lobo? makukulay
2.Si Martha ay naghuhugas ng pinggan.
Ano ang sinasabi tungkol kay Martha? naghuhugas ng pinggan.
3. Nagtatanim ng palay sina Lukas at Tonyo.
Ano ang ginagawa nina Lukas at Tonyo? Sina Lukas at Tonyo
A. Panuto: Tukuyin kung nasalungguhitan ay simuno o panaguri.
- Ang chef ay nagluluto ng adobo.
- Maliligo kami sa ilog.
- Ang mga itlong ng pugo ay maliliit.
- Malamig ang panahon.
- Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla.
- Mahina ang huni ng maya.
- Si Ana ay isang mananahi.
- Nagbibigay ng regalo ang mga ninong at ninang tuwing Pasko.
- Siya ay isang mang-aawit.
- Napahanga ang mga tao sa proyekto ni Christian.