Pages

Pagsasanay: Hugnayang Pangungusap



Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di makapag-iisa. 

Ang mga pangatnig na nag-uugnay sa dalawang klaseng sugnay ay ang mga sumusunod:

bago
upang
kapag
nang
sapagkat
kung


Inihanda muna ni Katie ang kanyang mga gamit bago siya natulog. 
                              1                                                 2


Inihanda muna ni Katie ang kanyang mga gami

    Ang unang sugnay ay may simuno at panaguri na nagpapakita ng isang buong ideya. 

    Ano ang inihanda ni Katie? Ang kanyang mga gamit. 

    Ano ang ginawa ni Katie sa kanyang mga gamit? Inihanda niya. 



bago siya natulog 

   Ang ikalawang sugnay ay may simuno at panaguri ngunit hindi buo ang diwa.  

   Ano ang ginawa niya bago natulog? (hindi sinabi sa sugnay)


Pagsasanay

A. Tukuyin kung ang sugnay ay makakapag-iisa o di makapag-iisa. 

  1. sapagkat nangangailangan siya ng pera
  2. Nagtatanim at naglilinis sila sa hardin. 
  3. Si Lea Salonga ay isang sikat na mang-aawit. 
  4. Nagbakasyon kami sa Baguio City at binisita namin ang aming mga pinsan. 
  5. Tumatawa ang bata. 
  6. May wastong paraan ng pagsusulsi.
  7. kung kailangan namin ang tulong mo
  8. bago bumalik ang mga kabayo sa kwadra
  9. kapag pumasa ako sa Math
  10. nang binuksan niya ang kahon


B. Salungguhitan ang mga hugnayang pangungusap. 
  1. Ang ating mundo ay sinasaklaw ng 70% na tubig.
  2. Ang algae ay isang uri ng halaman na makikita sa karagatan.
  3. Kung sobrang mainit ang karagatan, manganganib ang buhay ng mga hayop at halaman na nanirahan dito.
  4. Ang coral bleaching ay ang panghihina ng mga corals na maging dahilan ng pagkawala ng mga ito.
  5. Kailangan nating sagipin ang mga hayop at halaman sa karagatan.