Pages

Ang Pang-abay



Ang pang-abay ay naglalarawan ng sa pandiwa, pang-uri, o sa kapwa pang-abay. 

Ang pandiwa ay isang salitang-kilos. Ginagamit natin ang pang-abay upang ipakita kung paano ginawa ang salitang-kilos.

Halimbawa: Maingay na naglalakad ang mga binata sa kalye. 


Ang panaguri ay salitang naglalarawan. Ginagamit natin ang pang-abay upang ipakita kung anong uri  ang panaguri.

Halimbawa: Talagang makulay ang larawang kanyang ginawa. 


Ang pang-abay ay  maaaring magbigay-turing sa kapwa pang-abay

Halimbawa:  Ang mananahi ay laging masayang nangtratrabaho.


Mga Pagsasanay:


A. Bilugan ang mga pang-abay sa pangungusap.

1.Laging masaya ang pamilya tuwing nagbabakasyon sila sa Cebu. 
2.Dahan-dahang tinikman ni Mila ang dried mango.
3.Laging abala ang mga tao sa pagtitinda sa kalye ng Colon.
4.Lubusang namangha ang mga bata nang makita nila ang Basilica del Santo Nino, ang pinakamatandang simbahang Katoliko sa Pilipinas.
5.Baka nasa Taoist Temple sina Nick at Amy.

B. Tukuying ang salitang binibigyang-turing ng pang-abay. 

1.Mahirap intindihin ang sinabi niya.
2.Mabilis magtrabaho si Noel. 
3.Laging umaasa si Katherine na darating ang kanyang ama sa kanyang kaarawan. 
4.Tuwing alas-5 ng hapon, agad umuuwi ang mga mangagawa.
5.Masiglang naglalaro ang magkakapatid sa parke.