Pages

Pagsasanay: Tambalang Pangungusap




          Ang pangungusap ay isang tambalan kung ito ay binubuo ng dalawang ideya o dalawang payak na pangungusap. Ang mga pangungusap ay ipinagdugtong nga isang pangatnig tulad ng at, o, pati, saka, ngunit, at maging.

Halimbawa: 

Ang haribon ay ang pambansang ibon ng Pilipinas at  makikita lamang ito sa Pilipinas.

Tinatawag din itong monkey-eating eagle, haring ibon, o banog at ito ang pinakamalaking agila ayon sa haba.


Nanganganib ang buhay ng mga haribon kaya  tinatayang mababa sa  500 na haribon ang nabubuhay ngayon sa Pilipinas.  

Mahalaga ang haribon kaya protektado ito ng batas.




Pagsasanay:

Gawing tambalang pangungusap ang bawat grupo ng payak 

1.Mahilig magbasa si Tim. Bumili siya ng maraming aklat kahapon.

2.Hindi pa siya nakaligo. Hindi pa rin siya nakapag-agahan.

3.Binasa at inintindi ko muna ang direksyon. Ginawa ko ang aking proyekto. 

4.Pupunta si Gus sa Amerika. Babalik agad siya sa Pilipinas pagkalipas ng dalawang linggo. 

5.Tumaas ang presyo ng gasolina. Tumaas din ang presyo ng bilihin.