Ang mga Kaantasan ng Pang-Uri


1.Lantay- Ang isang pangngalan o panghalip ay inilalarawan lamang. Hindi ito inihahambing sa ibang panghalip o pangngalan.

Halimbawa:
Ang paglalaro ng mga online games ay nakakaaliw.

2. Pahambing- Ginagamit ang pahambing na antas upang ihambing ang katangian ng dalawang pangngalan o panghalip. Maaaring magkatulad or di magkatulad ang mga ito. 

- Magkatulad

Halimbawa:
Magkasingbait sina Luisa at Ricardo.

- Di magkatulad

Halimbawa:
Mas mabait is Noel kaysa kay Nora.


3. Pasukdol- Sa paghahambing ng tatlo o higit pang pangngalan o panghalip, ginagamit ang kaantasang ito. Sinasabit nito na ang katangian ng isang pangngalan o panghalip ang pinakamatindi o nakahihigit sa lahat. Ang mga katagang ginagamit sa pasukdol ay sakdal, ubod, napaka, hari ng, pinaka, walang kasing- at lubha. 

Halimbawa: Ubod nang tamis ang halo-halo sa restawran. 


Mga Pagsasanay :

Layunin: Napaghahambing ang mga pang-uri


A. Panuto: Isulat ang angkop na salita sa patlang.

1. Si Susan ay _________________________.

2. Si Lois ay __________________ kaysa kay Loretta.

3. Ang internet ay ______________________ para sa mga bata.

4. Siya ang ____________________.

5. Kilala ang mga cheetah bilang ___________________.

B. Punan ang mga patlang ng tamang kaantasan ng pang-uri.


Kaugnay na Aralin: Mga Kaantasan ng Pang-Uri