Pages

Ang mga Pang-Ugnay




Ang pang-angkop, pang-ukol, at pangatnig ay mga pang-ugnay.

Ano ang pang-angkop?

Ginagamit ang mga salitang ito upang iugnay ang salitang inilalarawan sa salitang naglalarawan.

Anu-ano ang dalawang uri ng pang-angkop?
1.na-  Sa paggamit nito, tingnan kung ano ang sa dulo ng unang salita. Kung ito ay nagtatapos sa katinig, gamitin ang na sa pagitan ng unang salita ang ikalawang salita.

Halimbawa:
mabait na anak
malapad na daan
masarap na pagkain
mabigat na kahon   


2. ng-  Idinadagdag ito sa dulo ng unang salita na nagtatapos sa patinig.

Ngunit, kung ang unang salita ay nagtatapos sa n, tinatanggal ito at dinadagdag ang -ng.

  Halimbawa:  
luntiang sofa
balingkinitang tao
mayamang negosyante
mahinhing babae
matuling kabayo

Ano ang pang-ukol?
Ang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa pangngusap ay tinatawag na pang-ukol.


Halimbawa:
sa
kay kina
tungkol sa
tungkol kay
para sa
para kay
ukol sa
ukol kay
hinggil sa
hinggil kay
ng
alinsunod sa
alinsunod kay
ayon sa
ayon kay


Ano ang pangatnig?
Ang  tawag sa salita o kataga nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay ay isang pangatnig.

                        Halimbawa:

at
ni
o
kaya
maging
man
saka
pati
dili kaya
gayundin
kung gayon
datapwa't 
subalit
bagkus
samantala
habang
maliban
bagaman
kung
sa bagay
kundi
kapag
sakali
sana
pagkat
sapagkat
kasi
kung kaya
palibhasa
dahil sa
sanhi ng
anupa
samakatwid
sa madaling salita