Pages

Pang-uri o Pang-abay

 

Pang-Uri

Upang malaman kung ang salita ay isang pang-uri, tukuyin muna ang salitang inilalalrawan nito. Kung ang salita ay isang pangngalan o panghalip, ang salitang naglalarawan ay isang pang-uri. 

Halimbawa:

Siya ay masayahing tao.

Masipag si Joy. Nagtratrabaho says kahit Sabado at Linggo.

Mapait ang kape kaya hindi ako umiinom nito. 


Pang-abay 

Ang pang-abay naman ay naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.

Halimbawa:

Malungkot na ibinigay ni Vanessa ang laruan kay Mateo. 

Sabik na binuksan ni Marissa ang  regalo.



Pagsasanay


I Bilugan ang mga salitang naglalarawan at isulat sa patlang  kung ito ay pang-uri o pang-abay.

1. Mahilig mag-ehersisyo si Annika kaya siya ay malusog.
2. Ang kapatid ko na si Aurelio ay tahimik na nanood ng telebisyon.
3. Nakakatawa ang kuwento niya.
4. Napakasaya ni lola nang makita niya ang kanyang mga apo na bumisita sa kanya.
5. Napakagandang pagmasdan ang mga bituin sa kalangitan.
6. Masusing binasa ni Pam ang sulat. 
7. Ang haba ng pila sa bangko. Ang daming tao doon.  
8. Mataba ang alagang aso ni Danica dahil inaalagaan niya ito nang mabuti.  
9. Dalawampung tao ang nabigyan ng libreng sakay.  
10. Makulay ang damit na ginawa ni Elsa. 



II. Isulat ang tamang salita sa patlang.

magalang      mapula      sabik na sabik    

nahihiya    maligaya    

kaaya-aya    masikip      mabilis  

tagumpay       masayang-masaya   kamangha-mangha


1. _______________na sinagot ni Laura ang tanong ni Gng. Lopez.

2. _______________na makita ni Dolores and kanyang mga kaibigan pagkatapos ng ilang buwan.

3. _______________ang mga tao sa Barangay Molave dahil bumisita ang isang sikat na manlalaro.

4. _______________pagmasdan ang mga makukulay na bulaklak sa hardin.

5. _______________na nakuha ni G. Manuel Gomez ang  pwesto bilang alkalde ng bayan.

6.  ______________ang pamilya Delgado nang mahanap nila ang kanilang nawawalang aso na si Stella.

7. ______________ang damit na nabili ni Hector kaya ibabalik niya ito sa bilihan ng damit bukas.

8. ______________ ang ginawa ng salamangkero.

9. Dahil sa allergy, _____________  ang aking pisngi.

10.  ______________ na umalis  si Alberto sa museo dahil lumalangitngit ang kanyang sapatos.