Pages

Ang mga Aspekto ng Pandiwa



Ano ang pandiwa?

Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos.

Halimbawa: takbo, basa, isip, laro, hugas

Anu-ano ang mga panahunan o aspekto ng pandiwa?
Ang mga panahunan o aspekto ng pandiwa ay ang panahunang pangnagdaan o perpektibo, panahunang pagkasalukuyan o imperpektibo, at panahunangn panghinaharap o kontemplatibo.

1.Perpektibo - Ang salitang kilos ay natapos na o katatapos pa lang.

Pandiwa             Pangnagdaan o Perpektibo

alam                   inalam
basa                   binasa
takbo                 tumakbo
kuha                  kumuha
tulog                  natulog

2. Imperpektibo- Ang salitang kilos ay na nasimulan na ngunit patuloy na ginagawa at  hindi pa tapos

Pandiwa             Pangnagdaan o Perpektibo

kuha                  kinukuha
kain                   kumakain
bili                     bumibili
sali                     kumuha
tulong               tumutulong

3.Kontemplatibo- Ang salitang kilos na hindi pa nauumpisahan.

Pandiwa             Pangnagdaan o Perpektibo

linis                          maglilinis
lipat                          lilipat
gawin                      gagawin
usap                        mag-uusap
pili                            pipiliin


Mga Pagsasanay

Salungguhitan ang mga pandiwa at isulat kung ito ay perpektibo, imperpektibo, o kontemplatibo.

  1. Sina Maria at Sara ay nag-uusap sa kantina.
  2. Maraming gagawing takdang-aralin si Maria ngayon.
  3. Naghahanda sina Nanay at Carmelita ng agahan.
  4. Nasira ang computer na ginamit kaninang umaga.
  5. Magsasara kami ng tindahan nang maaga.
  6. Nakatulog si Luisa sa sala kanina habang gumagawa siya ng proyekto sa Araling Panlipuanan.
  7. Darating ang mga kamag-anak nina Charlie at Elizabeth.
  8. Nagbasa kami ng aklat tungkol sa yaman ng Pilipinas sa klase.
  9. Tuwing Linggo, naliligo ang mga bata sa malinis na ilog.
  10. Mag-aaral ako mamaya para sa pagsusulit bukas kaya hindi ako pwedeng mamasyal sa mall ngayon.