Pages

Panghalip: Panaklaw at Pananong



Ang panghalip na panaklaw ay isang panghalip na hindi tumutukoy sa sinumang tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, o halaga. Sinasaklaw nito ang kaisahan, dami, o kalahatan ng pangngalang tinutukoy.


sinuman
anuman
alinman
lahat
walang sinuman
marami
ilan
lahat
karamihan
isa
gaanuman
kailanman
iba
madla
balana
magkanuman
paanuman
saanman
pawa
ilanman

Mga Pangungusap

1.Karamihan sa mga bata ay nagdala ng bulaklak at iba pang tanim para sa hardin ng paaralan.
2.Lahat ng alaga kong pusa ay mahilig kumain ng tuna.
3.Saanman ka man makarating, huwag mong kalimutang magdasal sa Panginoon.
4.Kung anuman ang sinabi ni Luisa sa iyo, makinig ka pa rin sa akin.
5.Bibilhin natin alinmang gusto mo.

Ang panghalip na pananong ay mga salitang ginagamit natin sa pagtatanong na maaaring  tungkol sa tao, bagay, panahon, lunan, at pangyayari. Ito ay maaring isahan at maramihan. 

Isahan: ano, alin, kanino, sino
Maramihan: ano-ano, alin-alin, kani-kanino, sino-sino


Mga Pangungusap

1.Alin dito ang bag ni Emilia?
2.Kanino mo ibinigay ang mga suman?
3.Sino-sino ang sasali sa gagawing pagtitipon sa susunod na buwan?
4.Ano-ano ang laman ng mga kahon sa silid-aklatan?
5.Sino ang naglinis ng bakuran kaninang umaga?