Pages

Pang-Ugnay: Pang-angkop



Tingnan ang mga grupo ng salita sa baba:

            matamis saging    matalino bata

Sa Filipino, ang mga salitang ito ay ipinagdurogtong ng pang-angkop. 

Ang pang-angkop ay isang salita na nag-uugnay sa isa pang salita.


May dalawang pang-angkop na ginagamit natin. Ito ay ang:  

1.na - ginagamit natin ito kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa titik n.

Halimbawa: 

matamis na saging
malutong na mangga
mataas na pader

2.ng ginagamit natin ito kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig

Halimbawa: 

malayang ibon
maiksing damit
matalinong bata

Kung ang salita ay nagtatapos sa n, titatanggal natin ang n at idinaragdag natin ang ng. 

Halimbawa:

matuling kabayo
malikhaing pintor
masunuring anak


Pagsasanay:

Isulat sa patlang ang tamang pang-angkop.

1. Nanood sila ng nakakatakot ___ palabas kagabi.

2. Diniligan niya ang mga luntian ___ halaman.

3. Ang mga gutom ___ oso ay bumaba papunta sa kabahayan.

4. Mahalaga ang malinis  ___ kapiligiran upang maging malusog ang mga mamamayan.

5. Si Page ay isang masayahin ___ aso.

6. Ang mga kahanga-hanga ___ manlalaro ay mapagkumbaba.

7. Magulo __ klase nang dumaan si Gng. Cortez.

8. Ang durian ay isang kakaiba ___ prutas.

9. Binigyan niya si Ayla ng isang malambot ___unan.



10. Ang matulungin___ anak ay kaaya-aya.