Pages

Ang Pang-Ugnay: Mga Pang-Ukol Para sa Ikaapat na Baitang



     Mahilig manood ng palabas si Bobby hanggang alas-dose nang gabi kaya lagi siyang inaantok sa klase.
     Dahil sa lagi siyang inaantok, hindi niya magawang gawin ang mga aralin nang maayos.
Kinalaunan, bumagsak siya sa lahat ng kanyang asignatura.
     Batay sa kwento, mainam magkaroon ng sapat na oras ng pagtulog upang maging alerto sa klase at maging matagumpay sa buhay. 

Pansinin ang pangungusap na ito:
Batay sa kwento, mainam magkaroon ng sapat na oras ng pagtulog.

Ang nakasalungguhit na salita ay tinatawag na pang-ukol. Ang pang-ukol ay isa ring pang-ugnay. 

Ang ibang halimbawa ng pang-ukol:

sa

kay, kina

dahil sa, dahil kay, dahil kina

laban sa, laban kay, laban kina

ukol sa, ukol kay, ukol kina

hinggil sa, hinggil kay, hinggil kina

tungkol sa, tungkol kay, tungkol kina

para sa, para kay, para kina

sang-ayon sa, sang-ayon kay, sang-ayon kina

alinsunod sa, alinsunod kay, alinsunod kina 


PAGSASANAY

Panuto: Salungguhitan ang mga pang-ukol.

1.Ang tanong ko ay tungkol sa kung paano maipasa ang mga asignatura?
2.Ayon sa aking guro kailangan kong makinig nang mabuti sa kanya tuwing may itinuturo siya sa amin. 
3.Ang pag-aaral nang mabuti ay para sa aking kinabukasan. 
4.May mga paraan na maaari kong gawin laban sa katamaran. 
5.Labag man sa aking kalooban, kailangan kong mag-aral nang mabuti.