Pages

Mga Gamit ng Pangngalan




1.Simuno— Kung ang pangngalan ay paksa sa pangungusap.

Halimbawa:  Ang Coron ay matatagpuan sa Palawan. 

2. Pantawag — Ito ay pangngalang tinatawag o binabanggit sa pangungusap.

Halimbawa: Mama, maari po bang magtanong?
 
3.Pamuno — Kung iisa lamang ang simuno at isa pang pangngalang  parte ng paksa, ito ay tinatawag na pangngalang pamuno. 

Halimbawa: Ang Kuwebang Tabon, ang tirahan ng mga sinaunang tao sa Palawan, ay dinadayo ng mga turista. 

Ang salitang tirahan ay bahagi ng paksa ng pangungusap at tinutukoy ang simuno. Ang Kuwebang Tabon at tirahan ay iisa lamang. 

4.Kaganapang Pansimuno — Kung iisa lamang ang simuno at isa pang pangngalang parte ng panaguri, ang pangngalang ito ay tinatawag na kaganapang pansimuno.

Halimbawa: Ang Kuwebang Tabon ay tirahan ng mga sinaunang tao sa Palawan. 

Ang mga salitang Kuwebang Tabon na makikita natin sa simuno at salitang tirahan na makikita natin sa panaguri ay iisa lamang. 

5.Layon ng pandiwa ( Tuwirang Layon) — Ang pangngalang tumatanggap ng kilos ay siyang layon ng pandiwa. 

Halimbawa: Gumawa ng hakbang ang mga mamamayan upang mapanatili ang kalinisan sa paligid ng lawa.

Ang pangngalang hakbang ang siyang tumatanggap ng kilos ng   salitang gumawa. 


6.Layon ng Pang-ukol — Ang pangngalan na  kasunod ng pang-ukol ay ang layon ng pang-ukol. Kinukumpleto nito ang kahulugan ng pang-ukol. 

Halimbawa: Tungkol sa Palawan ang aklat na ito. 


PAGSASANAY

Tukuyin ang gamit ng salitang sinalungguhitan sa bawat pangungusap. 


___________1. Ang unang tula na isinulat ni Jose Rizal ay Sa Aking Kababata. 

___________2. Si Justiniano Aquino Cruz ay naging guro ni Jose Rizal.

___________3. Siya  ay pumunta sa Madrid noong  1882. 

___________4. Si Paciano, ang kapatid niya, ay isa ring heneral sa panahon ng rebolusyon laban sa mga Kastila. 

___________5. Ang Noli Me Tangere ay isang nobela na isinulat ni Rizal.

___________6. Anak, pupunta tayo sa Calamba, Laguna ngayon.

___________7. Ang Rochophorous Rizali ay isang palaka.

___________8. Ipinangalan ang Apogonia Rizali kay Rizal.

___________9. Anita,makikita ang Monumento ni Rizal sa Luneta. 

___________10. Mga bata, pag-aaralan natin ang mga tula ni Dr. Jose Rizal.