Pages

Mga Pang-abay: Pamaraan at Pamanahon



Ang pang-abay na pamanahon ay tumutukoy sa mga salitang nagsasaad kung kailan nangyari ang isang kilos.

Halimbawa: bukas, ngayon, tuwing umaga 

1. Nagtanim ng palay ang mga magsasaka noong isang linggo.

2. Humiram kami ng mga aklat sa silid-aklatan kahapon. 

3. Tuwing hapon kami nag-eehersisyo sa parke 



Ang pang-abay na pamaraan ay tumutukoy sa mga salitang nagsasaad kung paano ginawa ang isang kilos.

Halimbawa: mahina, mahimbing, mabagal 

1. Tahimik na nagbabasa Rina sa sala.

2. Mabilis na tumakbo ang tigre para habulin ang usa.

3. Mahimbing na natulog si nanay.