Pages

Mga Salitang Magkapareho ang Baybay Ngunit Magkaiba ang Diin

Layunin: Natutukoy kahulugan ng mga salita na magkapareho ang baybay ngunit magkaiba ang diin.



May mga salita na magkapareho ang baybay ngunit magkaiba ang diin. 

-*-*-*-*-*-*-*-*

aso - isang uri ng hayop
asó- usok 

-*-*-*-*-*-*-*-*

binasa-  tiningnan at inintindi kung ano ang nakasulat
binasâ- tinapunan ng tubig

-*-*-*-*-*-*-*-*

kitá- ikaw at ako
kita- suweldo

-*-*-*-*-*-*-*-* 

gabi- isang uri ng gulay
gabí- bahagi ng isang araw pagkatapos ng hapon

-*-*-*-*-*-*-*-*


tasa- isang ui ng iniinuman
tasâ- tulis ng lapis

-*-*-*-*-*-*-*-*


pasò- bahagi ng katawan na nasunog o sobrang nainitan
pasô- lalagyan ng halaman

-*-*-*-*-*-*-*-*


pito- bilang
pitó -silbato

-*-*-*-*-*-*-*-*


sawá- usang uri ng ahas
sawà- suya

-*-*-*-*-*-*-*-*


tuyá-  nakabitin na upuan 
tuyâ- pangungutya

-*-*-*-*-*-*-*-*

baka- isang uri ng hayop na nagbibigay ng gatas at karne

baká- marahil, siguro

-*-*-*-*-*-*-*-*


Mga Pagsasanay

A. Isulat ang tamang simbolo ng diin ng bawat salita ayon sa kahulugan nito. 

1. kita- ikaw at ako
    kita- suweldo 

2. gabi- isang uri ng gulay
    gabi- bahagi ng isang araw pagkatapos ng hapon

3.baka- isang uri ng hayop na nagbibigay ng gatas at karne
   baka- marahil, siguro

4.aso - isang uri ng hayop
   aso- usok 

5.binasa-  tiningnan at inintindi kung ano ang nakasulat
   binasa- tinapunan ng tubig