Pages

Ang Pahayag: Katotohan o Opinyon?

Layunin: Nasusuri kung opinyon o katotohanan ang isang pahayag.



          Araw-araw, maraming impormasyon tungkol sa iba't ibang bagay ang nababasa natin sa pahayagan, sa Internet, sa mga aklat, o naririnig mula sa mga programa sa radyo o telebisyon. 

          Mainam na malaman natin kung ang isang pahayag ay isang katotohanan o opinyon. 


        =*=*=* =*=*=*




          Halimbawa: 


Ang araw ay isang bituin. Kung wala ang matinding enerhiya at init na galing sa araw, walang buhay sa mundo.

Maaaring tingnan kung ang mga pahayag ng ito ay katotohanan sa https://www.nasa.gov/sun.

        =*=*=* =*=*=*

      



Ang mga palatandaang salita ay:

sa palagay ko
pakiramdam ko
naniniwala ako
palagi
hindi kailanman
talagang hindi
lahat
karamihan
hindi bababa sa
pinakamasama
pinakamagaling
tila

Halimbawa, 

Pakiramdam ko walang magandang naidudulot ang sobrang init ng araw dahil natutuyo ang lahat ng mga ilog. 


          Hindi mapatutunayan ng nagsabi ng pahayag na ito kung ang lahat ba ng ilog ay natutuyo. Kailangan may ulat galing sa may awtoridad.



Pagsasanay


Panuto: Sabihin kung ang bawat pahayag ay isang katotohanan o opinyon. 

  1. Ang bulldog, chihuahua, at labrador ay mga uri ng aso.
  2. Ang chihuahua ang pinakamagandang alaga. 
  3. Ang karaniwang haba ng buhay ng isang aso ay nasa 10 hanggang 14 na taon. 
  4.  Mas malambing ang mga pusa kaysa sa mga aso. 
  5. Ang scientific name ng aso ay Canis familiaris.
  6. Ang mamahal ng mga pagkain ng pusa!
  7. Ang scientific name ng pusa ay Felis catus. 
  8. Talagang mahirap alagaan ang mga aso. 
  9. Ang mga aso ay dapat bilhan ng mga damit at sapatos.
  10. Ang mga pusa ay carnivores.

Mga Pagsasanay (PDF)

Worksheet 1  Panuto: Isulat ang K sa patlang kung ang pahayag ay isang katotohanan o O kung ito ay isang opinyon. 

Worksheet 2   Panuto: Isulat ang K sa patlang kung ang pahayag ay isang katotohanan o O kung ito ay isang opinyon. 

Worksheet 3   Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik sa tamang kahon.