Pages

Pangngalan: Mga Kaukulan ng Pangngalan



     Ang tatlong kaukulan ng pangngalan ay:

A. Palagyo- 

     Sa kaukulang ito, ang pangngalan ay ginagamit bilang simuno ng pangungusap, pantawag,  kaganapang pansimuno, o pangngalang pamuno. 


1.Simuno ng Pangungusap

     Si Dante ay nag-aaral nang mabuti. 

     Ang pangngalan na "Dante" ay ang pinag-uusapan sa pangungusap. 

2.Pantawag

     Dante, ilang oras ka nag-aaral araw-araw?

     Ang pangngalang "Dante" sa pangungusap na ito ginagamit bilang pantawag sa tao.

3.Kaganapang Pansimuno

     Si Dante ay isang masipag na mag-aaral.

     Ang salitang "mag-aaral" ay isang kaganapang pansimuno dahil ito ay nasa bahagi  ng panag-uri at ito ay may kaugnayan sa simuno ng pangungusap, ang salitang "Dante".

4.Pangngalang Simuno

     Si Dante, ang masipag na mag-aaral, ay nakatapos na sa kolehiyo.


B. Palayon

     Ang pangngalan ay ginagamit bilang layon ng pandiwa at layon ng pang-ukol. 

1.Layon ng Pandiwa

     Binigyan ng regalo si Martha ni Noel. 

     Ang salitang regalo ang tumatanggap ng salitang kilos na "binigyan".


2.Layon ng Pang-ukol

     Ang basket na ginawa niya ay para kay lola

     Ang salitang basket ay pinaglalaanan ng salitang kilos na ginawa at ito ay sumusunod sa isang  pang-ukol.

C. Paari
Ang pangngalang ay isang paari kung ang salitang sinundan nito ay isa ring pangngalan. Nagpapakita ito na ang pangalawang pangngalan ang siyang may-ari ng unang pangngalan. 

Halimbawa:  Ang mga manok ni Mang Kanor ay malulusog.



Mga Pagsasanay:

Palagyo

A.Tukuyin kung ang pangngalan na may salungguhit ay isang simuno, pantawag, kaganapang pansimuno, o pangngalang pamuno. 


1.Ang mga bata ay mahilig maglaro sa palaruan. 
2.Si Lucas ay ang mananayaw na lumahok sa isang patimpalak.
3.Bata, nakalimutan mo ang iyong aklat. 
4.Ang mangga, ang prutas na binili ni nanay, ay inilagay ko sa mesa. 
5.Ginang Minerva, hinahanap po kayo ni Ginang Marcelo.
6.Ang aking ama ay nagtratrabaho nang mabuti para sa aming pamilya.
7.Karen, halika na't kumain na tayo ng hapunan.
8.Si Brownie, ang alagang aso ni Lucia, ay naglalaro sa labas. 
9.Ang mga kaibigan ko ay namamasyal sa dalampasigan.
10.Nag-eehersisyo ka ba, Lina?


Palayon

Tukuyin kung ang pangngalan na may salungguhit ay layon ng pandiwa o  pang-ukol.

1. Naglilinis ng bakuran ang mga anak ni Lydia.
2. Naghanda sina Lino at Karla ng pagkain para kay tatay. 
3.Binenta ni Luisa ang mga sampagita sa plasa.
4. Mula sa Bacolod ang mga piaya na binili niya. .
5. Para kay Allia ang mga damit na binili ni nanay. 
6. Ang kwentong isinulat niya ay tungkol sa kasaysayan ng mga sinaunang tao.
7.Gumawa ng iskultura si Juan para sa kanyang aso
8. Pinakuluan ang tubig upang ito ay ligtas inumin.
9. Diniligan ang mga bulaklak kahapon.
10.Alinsunod sa batas ang panukalang isinulat ni G. Martinez.

Paari

Salungguhitan ang pangngalang paari.

1.Ang mga damit ni Mina ay hindi pa nalalabhan.
2.Ang mga aklat ng paaralan ay donasyon  ng isang organisasyon sa Amerika. 
3.Ang aso nina Mark at Lorena ay isang pitbull.
4.Binisita ni Lily ang bahay ni Lola Melissa sa Binondo.


5.Kinumpini ni Kuya Luis ang bisikleta ni Danilo.